Chapter 07 3rd Person's POV Pagkatapos nga ng araw na iyon. Hindi na nagpakita pa si Kismet. Natuwa ang dalaga dahil duon. Solo niya na ang mag-ama at pakiramdam niya nalalapit na din ang mga ito sa dalawang anak. Pero hindi si Silas. May pagbabago sa mga anak niya. Hindi na ito kasing kulit ng dati at hindi iyon normal para sa mga batang katulad nina Percimon. Pagkatapos ng check up. Pagkagaling nila sa hospital ni Crescent sandaling hinatid ni Silas ang babae sa mansyon ng mga Giovilli. Bumayahe na din ito pabalik ng mansyon nila at dahil galing siya sa west part napadaan si Silas sa park. Sandali nito pinarada ang sasakyan sa tagong bahagi ng park at bumaba. Sumandal sandali ang lalaki sa hood ng kotse at naglabas ng sigarilyo. Hindi maintindihan ni Silas ang sarili. Nagug