Chapter 33 Garan's POV Makalipas lang ang ilang buwan. Pinayagan na din kami ni Theo umuwi. Siniguarado na din ni Theo na ayos lang ang mga baby namin at ngayon nahahawakan ko na sila. "Ran! Look baby, mga kapatid mo. Ang cute!" Napangiti ako ng iabot ni Ran ang mga kamay niya sa crib kung nasaan ang apat na baby. Buhat siya ni Samantha na kasalukuyang sinisilip ang quad na mahimbing na natutulog. Habang tinutupi ko ang mga damit may taong bigla na lang yumakap sa likod ko at halikan ako sa leeg. "Master, kung magiging habit mo iyan in future hindi malayong makatikim ka sa akin ng sapak." "Nagger," natatawang bulong ni Master bago bumitaw sa akin at tinungo ang crib. Sinilip nito ang apat na bata bago tumingin kay Ran. "Hi Ran, kagigising mo lang?" Napangiti ako ng buhati