Chapter 23 3rd Person's POV Halos paliparin ni Niar ang sasakyan matapos makatanggap ng tawag mula kay Kismet. Sinubukan nito i-track ang location ng binata. Abot ang kaba ni Niar matapos siya makarating sa location. Agad nito pinarada ang sasakyan at bumaba. "Kismet!" Lakad-takbo na lumapit si Niar sa binata at napatigil ito matapos makaramdam ng malapot na bagay sa swelas ng sapatos niya. "Nasaan si Theory?" may lamig na tanong ni Kismet na kinatingin ng binata. "S-Sanchez." Hindi alam ni Niar kung anong nangyari pero sa isang iglap parang nag-ibang tao ang kaharap niya. Nakaupo sa hood ng kotse ang lalaki habang nasa noo ang isa nitong kamay at hawak ang ulo. "Kontakin mo si Theory. Gusto ko siya makausap," walang emosyon na sambit ni Kismet bago bumaba at bahagyang binu