Chapter 48 3rd Person's POV; Tulog na si Sibal pero si Worth gising pa din. Nakatitig lang ito kay Sibal na parang anytime mawawala ang binata kung pipikit siya. Hinawakan ni Worth ang kamay ng lalaki. Itinaas niya iyon at tiningnan ang pulang tela na nakatali sa wrist nilang dalawa. Niyakap iyon ni Worth at pilit na pumikit. Nagising si Sibal pero imbis magsalita niyakap niya ang lalaki ng mahigpit. Umangat ng tingin si Worth pero nanatiling nakapikit si Sibal. "Kung may iniisip ka. Just tell me," paos na sambit ni Sibal bago minulat ang mata ni Worth. "Kung itatanong mo kung mahal kita. Mahal na mahal kita Worth at mababaliw ako kapag nawala ka," bulong ni Sibal na kinatawa ni Worth. Niyakap niya pabalik ang binata at mas sumiksik dito. "Sibal, hindi mo naman ako iiwan dib