Chapter 25 3rd Person's POV; Nakatitig lang sa kisame si Soren at tinitingnan ang mukha ng paborito niyang manga character na si Moon Win. Hanggang sa magpop sa isip nito ang mukha ni Castor. Nakuha nito ang malambot na unan at sinalpak sa mukha dahil sa frustration. "Bakit hindi ka pa natutulog? " tanong ni Narren na kinalingon ng dalaga. Namumungay ang mata ni Narren na mukhang nagising dahil sa paggalaw niya. "Sorry nagising ba kita? " tanong ni Soren sa kaibigan. "Iniisip mo pa din ba ang mukha ni Moon Win? " "Hindi siya si Moon Win, " may diin na sambit ni Soren. "Hindi si Castor Giovilli ang tinutukoy ko. Tinutukoy ko si Moon Win," ani ni Narren habang nakatagilid at tinuro ang kisame kung saan nakadikit ang mukha ng manga character. Namula si Soren sa hiya at tumalikod sa