Chapter 18 Kismet Sanchez's POV Ang bigat. Ang init. Nasaan na naman ba ako? Palubog na naman ako. Kailan ba matatapos ang takot at bigat na nararamdaman ko tuwing nasa ganitong sitwasyon ako. Iyong liwanag papalayo na naman. Inangat ko ang kamay ko. Papapikit na ako nang makaranig ako ng sigaw. "Kismet!" Pagmulat ko ng mata. Wala ng tubig. Isang malaking apoy ang lumalamon sa bawat parte ng kwarto na kinalalagyan ko at sa harap ko isang batang lalaki. "Kismet!" Hindi ako makagalaw. Hindi ko maaninag ang mukha ng lalaking nasa harap ko dahil sa liwanag at sobrang laking apoy na pumapagitna sa aming dalawa. Patuloy lang ito sa pagtawag ng pangalan ko habang umiiyak. "Kismet!" Nahila ko ang hininga ko at napaupo. Kinapa ko ang tubig na nasa gilid ng lamesa at agad na iniinom