Chapter 32 3rd Person's POV; "Knockout na sina Mikael at Wise. Kayo hindi pa matutulog? " natatawang sambit ni Kirby bago umupo at tiningnan sina Sebastian,Hector, Kreos at Nigel na nag inuman pa at wala pa din tama. "Saan ka galing?" tanong ni Kreos na kinakamot ni Kirby sa pisngi. "Hindi ko kinaya kaya umidlip muna ako sandali," ani ni Kirby bago kumuha ng beer sa lamesa at binuksan. "Sebastian, sigurado kana ba na gusto mong pakasalan si Wise? " out of the blue na tanong ni Kirby na kinatingin ng mga lalaki na nasa loob. "May magiging dahilan pa ba ako para hindi pakasalan si Wise? " tanong ni Sebastian pabalik bago salubungin ang tingin ni Kirby. "Tinatanong ko lang. Ayoko lang umasa at masaktan pa ulit ang kaibigan ko, " nakangising sagot ni Kirby. Hindi umimik si Sebastian p