Chapter 07 3rd Person's POV Nakasampa si Garan sa itaas ng puno habang nakatayo naman si Percival sa gitna ng kalsada at hawak ang isang red envelop. Sa paligid nito nakakalat ang madaming katawan at nakaparada sa hindi kalayuan ang madaming sasakyan. "Ano nga ulit ginagawa ko dito?" ani ni Percival habang hawak ang red envelop na mission niya. Natawa si Percimon sa kabilang linya matapos iyon itanong nang kakambal nang matapos ang unang mission at makuha niya ang envelop. Palihim naman natawa si Niccolo Mondragon matapos makita si Percival sa monitor. Wala siyang idea sa naging deal ng kakambal pero nakikita niya na sa tulong ng kambal magiging maayos ang mission at maayos nila ang organization kahit wala doon ang mga original members ng organization. Katulong niya si Percimon