Chapter 41 3rd Person's POV; Hindi alam ng apat na lalaki kung anong ire-react lalo na dahil sa idea na para silang nasa gitna ng kagubatan at napapalibutan ng mababangis na leon at lobo. "Pamilyar sila sa akin," bulong ni Sibal na nakadapa sa kama. Nanlaki ang mata ng isa sa apat na lalaki matapos marinig ang boses ni Sibal. "Siya si Black!" Nanlaki ang mata nina Ceiron matapos marinig ang sinabi ng lalaki. Napasapo sa noo si Worth matapos makita ang pagdidilim ng mukha ni Sebastian at nina Kreos. "Katulad ng sinabi ko Worth hindi kami pwede mangialam sa problema na 'yan. Wala kaming signal galing sa itaas at isa pa under pa din sila ng dark league dahil sa kasunduan," ani ni Kreos. "Wala kaming sapat na dahilan para tulungan sila," dagdag ni Nigel. "Sabi ko diba huwag