Chapter 02 3rd Person's POV Nagising na lang si Garan na nakasuot na siya ng damit at nasa mukha na din niya ang maskara. Paglingon niya sa tabi ng kama. Nakita niya na mahimbing na natutulog si Percival. Nakaharap sa kanya at nakapulupot ang isang braso sa katawan niya. Bumangon ang binata at bahagyang hinilot ang batok. Bumaba na din ito sa kama at nilingon si Percival na natutulog. Inabot nito ang pisngi ni Percival agad din iyon binawi dahil may narinig siyang katok mula sa pinto ng kwarto ng binata. Nilingon iyon ni Garan. Hahakbang si Garan para lumapit sa pinto mang may taong humapit sa bewang niya na nagimg dahilan para mapaupo siya sa kama. "Hindi ka 'man lang ba babati ng good morning sa master mo, Garan?" Nilingon ito sandali ni Garan. Umiling ang binata na kinangisi