Chapter 22 3rd Person's POV Napasapo sa noo si Cassius matapos marinig iyon. "Tama nga ang hinala ni kuya. Hindi mo binasa ang laman ng folder." "Binasa?" ani ni Garan. "Red envelop ang binigay sa akin ni Niccolo ng araw na iyon. Ano pang dahilan para basahin ko laman 'non?" kunot noo na sambit ni Percival. Malinaw din usapan nila ni Percimon ng mga araw na iyon general cleaning ang usapan nila. Wala siyang ititira na buhay sa mission pero dahil gusto ni Garan iligtas ang baby— wala siyang nagawa kung hindi itago na din iyon. Bahagyang nilingon ni Percival ang crib mula na nasa loob ng kwarto. "Anong meron sa bata?" tanong ni Percival. Tiningnan ni Kairi si Garan na para bang sinasabi nito na exclusive ang report na iyon at hindi basta pwede malaman ng kahit na sino. "Pumasok