Chapter 15 Kinaumagahan nagising si Silas na sapo ang sikmura matapos maramdaman duon ang sakit. Babangon siya nang may mga braso siyang naramdaman sa katawan niya. Para naman nakakita ng multo si Silas matapos makita ang kakambal sa tabi. Wala pa din iyong saplot kapag natutulog, maingay at nakanganga. Nang maalala nito ang nangyari kahapon malakas nito sinipa ang kakambal na kinamura ni Sibal nang mahulog siya mula sa kama at napadapa sa sahig. "Aray! Bakit ka na naman naninipa! " bulyaw ni Sibal bago umupo at parang bata na hinihimas ang tagiliran. "Akala mo ba hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo?" nag gigitgit na sambit ni Silas bago tumalon sa kama at---. "Ahhhh!! Papa! Daddy!!" sigaw ni Sibal nang sunggaban siya ng kapatid at sakalin. Nang marinig iyon nina Wise at Mikael