MEDYO nawala ako sa sarili ko nang mga oras na iyon, mabuti na nga lang at dumating sina Lebron kaya nagising ako sa katotohanan. Ikinwento ko sa kanila ang mga nangyari at kahit na mga loko ang mga ito ay hindi nila napigilan ang kiligin na parang mga bakla. Lipad pa nga ang isip ko matapos ang mga nangyaring iyon at hanggang bago ako matulog kinagabihan ay ganoon pa rin. Kinabukasan, wala akong klase ngayong umaga dahil mamaya pang gabi ito at simula nang manalo ako sa Quiz Bee ay hindi ko na rin kinailangang magtrabaho sa campus. Talagang libre na ako rito at hindi ko na kailangang magpagod maliban sa mag-aral nang mabuti. Ito ang napagkasunduan ng campus at sa tulong na rin ni Sir Alejandro. Medyo naninibago pa nga ako pero ayos naman dahil marami na ang oras ko para makapagpahinga. T

