KLARISSE "Babe, ready ka na?" narinig kong tanong ni Justine. Huh? Hanggang sa panaginip ba naman boses pa rin ng bruha yung naririnig ko? Hala Klarisse, ikaw naman yata yung nagayuma eh. Ikaw yung tinamaan ng bongga! "Huy babe!" tawag pa nito. "Pwede ba Justine! Hanggang dito ba naman sa panaginip ko ginugulo mo ko!" naiiritang sabi ko. Narinig ko namang tumawa ito ng malakas. "Sabi sayo Justine, mahirap gisingin si Klang eh" huh? Pati ba naman si parrot nakikigulo sa panaginip ko? "Tingin mo pag hinalikan ko tong si babe, magigising sya?" narinig ko pang sabi ng bruha. Agad naman akong nagmulat ng mata. Nagulat ako nang makitang papalapit na yung mukha ng bruha sakin kaya agad ko syang tinulak. Tatawa-tawa naman silang dalawa ni Maybelle sa reaksyon ko. "Epektib nga!" sabi pa n