KLARISSE "Ayan kase ang dami mong arte! Nagkandawala ka tuloy at muntik ka pang maging hapunan ng mga bayawak" tatawa-tawang sabi ng parrot. "Kasalanan kasi nung higad na yun eh" "Asus, nanisi ka pa! Ikaw lang yung may kasalanan non. Wala ka kasing tiwala sa BABE mo." "May tiwala ako" "Sus, kaya pala tinulungan lang saglit si Cha, nagwalk-out ka agad!" "Tse!" "Wag kang umarte-arte dyan Klang! Alam mo bang hindi nakapagshoot si JT ng scenes nya kagabi dahil busy sya kakahanap sayo. Dinidistract mo sya sa trabaho nya eh" naiiling na sabi ni parrot. Seryosong napatingin naman ako kay parrot. Totoo ba yung sinabi nya? Hindi ba talaga nakapagshoot si Justine dahil hinanap nya ko buong gabi? "Totoo ba yang sinasabi mo parrot?" "Mukha ba kong hindi seryoso Klang?" "Kahit kelan hindi ka