KLARISSE “Eh bakit pa kasi kailangan ko pang sumama dito?” inis na sabi ko kay parrot. Nakakainis lang kase! Kamusta naman na kahapon lang nila ko sinabihan na pupunta kami dito sa New York (hindi sa Cubao ha!) kasama ni Justine para sa shooting sa bagong movie nila. Oh yeah, natupad na rin yung pangarap ni parrot, isa na syang ganap na artista. At kailangan nyang magpasalamat sa ‘acting piece’ na itinuro ko sa kanya noon. Yes guys, yung inacting nya non sa harap ni Justine nung nagpplano kong painumin si Jordan ng gayuma. At eto nga, kasama sya sa bagong movie ni Justine. Ang nakakaloka sa dalawang to, lagi na lang ginagawa sakin to, nung isang beses pa nga, pinatulog lang nila ko, tapos paggising ko, nasa Pagudpud na kami eh. Sa tatlong taong relasyon namin ng bruha, hindi lang iilan