KLARISSE “O tapos ngayon, sisilip-silip ka dyan! Matapos mo syang itulak palayo sayo” Tiningnan ko ng masama si parrot. Bakit ba ang aga-aga eh nandito na naman sya. Makikikain na naman sya ng almusal dito sa bahay, tapos ano? Kung anu-ano na naman yung sasabihin nya dahil sa ginawa ko kay Justine. Bakit? Tama naman yung ginawa ko diba? “Pwede ba parrot, kung wala kang magandang sasabihin, tumahimik ka na lang! At wala akong sinisilip, hinihintay ko lang yung nagdedeliver ng gatas” Bigla naman itong natawa. “At kelan ka pa uminom ng gatas Klang?” “Well, hindi yung gatas yung hinihintay ko, yung nagdedeliver!” pagdadahilan ko dito. “Huh? Yung manong na kalbo saka yung bungal? Sya na ba yung bago mo ngayon? Kadiri lang Klang ha! So pagkatapos ni Jordan at Justine, si manong naman yung