JUSTINE "Cut!!" narinig ko na naman na sabi ni direk. Tss! Nakakailang take na ba kami para sa scene na to? Kanina pa ko pinapagalitan ni direk, simpleng scene lang hindi ko pa magawa ng maayos. Ewan ko ba, hindi mawala sa isip ko yung gagawing panggagayuma ni Klarisse kay kuya. Hindi ko lang talaga alam kung anong pumasok sa kukote ng babaeng yon! Bakit kailangan pa nyang gawin yun? Tama ba si kuya na napakadesperada nya? Bakit ba kasi hindi na lang sya tumingin sa paligid nya para malaman nya na may nagmamahal sa kanya na hindi na kailangan ng kahit anong gayuma. Na unang kita pa lang sa kanya, minahal na sya ng sobra. "Justine, kanina ko pa napapansin na wala dito sa taping yung isip mo. Kaya hindi mo magawa yung scene and madeliver ng maayos yung lines mo kasi nga hindi ka nagfofocu