KLARISSE “Hoy! Baka naman bigla na lang bumuglata si JT sa sama ng tingin mo sa kanya” bulong sakin ni Maybelle. Papano ba naman? Parang wala lang sa kanya yung nangyari kanina sa sasakyan. Bigla na naman akong dinedma. Nakakainis lang ha, para sa isang tao na nakainom ng gayuma, etong si Justine yata yung hindi nahumaling sakin. Ang kwento kasi ni Maybelle noon, sobrang nahumaling daw si Bernard kay Monique, eh bakit etong babaeng to, ni ayaw ata akong tingnan. Ugh! Eh bakit ko nga ba iisipin yon? Eh ipapainom ko na naman sa kanya yung antidote mamaya. “Nakakainis kase, akala mo kung sinong paimportante, hindi ba naman ako pinapansin kanina pa!” “Narinig ko kayo kanina nung nandun tayo sa bahay nyo, diba ikaw yung nagsabi na ayaw mo syang makasama? Anong inaarte-arte mo dyan?” “Wala,