JUSTINE Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis! Bakit kailangang si Kuya pa?! Kamusta naman na inamin nya mismo sakin na mahal nya si Kuya? Kung alam lang nya na halos isang taon akong naghintay at nagpabalik-balik sa park na yon para sa kanya. Tapos ano? Malalaman ko na lang na inlove sya sa kakambal ko? Na si Kuya Jordan yung gusto nyang makasama habambuhay? At ako? Sister-in-law nya lang? No way! Hindi ko kakayaning tumira sa isang bahay na kasama sila ni Kuya no! Ugh! Bakit ba kasi naging babae ako eh? Siguro kung naging lalaki ako baka ako yung nagustuhan nya at hindi si Kuya! At kamusta naman na dalawang beses syang hinimatay sa harap ni Kuya! Patay na patay lang?! "Hey, kawawa naman yung steak sayo, durug-durog na o" narinig kong sabi ni Kuya. Inirapan ko lang sya. Galit ako sa kany