JUSTINE "O, ok na ba yung girlfriend mo?" nakangiting tanong sakin ni Kuya. Nandito kami ngayon sa bahay ni direk. Nagpa-despedida party para sakin. Ang kulit lang kase sya pa rin naman yung magiging director nung bago kong teleserye. Napatingin naman ako kay Kuya. Ok na nga ba si Klarisse? Hindi ko rin alam. Nung isinama ko sya sa bar, nagulat ako dahil pumunta din si Kuya. Nagalit pa sakin si Klarisse non. Buti na lang napilit ko syang pumasok sa loob. Pero ewan ko kung anong problema ni Kuya at nagpakasweet sya kay Kath nung gabing yon. Sa harap pa ni Klarisse ha! Pero alam ko kung sino yung pinagseselos nya nung gabing yon. "Kuya, umamin ka nga sakin. Anong paandar mo at ang sweet sweet mo kay Kath nung nasa bar tayo?" Bigla namang nawala yung ngiti nya at agad syang sumeryoso.