"ANG aga mong nagising, Bro," ani Luke sa kaniya nang katukin siya nito sa kaniyang kuwarto at nakita siya nitong nakasandal sa may balcony ng kaniyang kuwarto. "Dahil hindi na ako dalawin ng antok kaya ako maagang nagising." Ngumisi sa kaniya si Luke dahil nakabalot lamang ang kaniyang ibabang katawan ng puting towel. "Maaga kang nagpantasya?" "Sira! Ang dumi talaga ng isip mo, Luke. Hiramin mo muna iyong pang-agiw ni Aling Asun baka sakaling malinisan ang utak mo," aniya sa kaibigan na palaging umaalaska sa kaniya. "Isang taon ka ring nawala rito sa hacienda. Wala kaming naging balita sa iyo. Saan ka ba nagpunta?" Bumuga siya nang malalim. "Hindi ako sumama kay Dark sa Taiwan, Luke. Kaya huwag mong sasabihin na isang taon kong hinanap si Jeni." "Saan ka nga nagpunta?" "Sa Korea,