IMBES na umuwi si Jeni ng Nueva Ecija ay naisip na lamang niya na magtungo sa isang malapit na bar and grilled restaurant. Gusto niyang huminga at makapag-isip na malayo sa kaniyang pamilya. Gusto niyang ilabas lahat ng kaniyang sama ng loob. Limang taon ang lumipas pero ang galit niya nasa kaniyang puso pa rin. Kinasusuklaman niya si Storm at naiinis siya kung paano nito husgahan ang kaniyang bagong negosyo. Ano bang akala nito sa kaniya wala siyang utak? "Miss, p'wede ba kitang isayaw?" pag-aaya ng isang lalaki sa kaniya. Inilahad pa nito ang kamay sa kaniyang harapan. Hindi niya ito pinansin pero umupo pa rin ito sa isang silya at tumabi sa kaniya. Naasiwa na siya sa lalaki para itong nanhuhubad kung makatingin sa kaniya. "Ang sungit mo naman. Alam mo bang sa lahat ng babae na nand