Maagang nagising si Jeni para mag-jogging sa hacienda. Nandito pa rin sila ng kaniyang anak na si Xingxing dahil hindi sila pinayagan na umuwi ni Juvy kagabi. Inalis niya ang kaniyang hoodie jacket at tanging sports bra na lamang ang suot niya at ang sports wear niyang leggings at shoes. Umupo siya sa may malaking bato at tumingin sa papasikat pa lamang ma araw. Natatanaw niya mula sa kinauupuan niya ang dati niyang lupa. Naiisip niya na maglakad-lakad pa patungo sa dati nilang bahay. Hindi inaasahan ni Jeni na makikita niya sa labas ng bahay nila dati ang sasakyan ni Storm. Pumasok siya sa loob ng bahay nila ngunit wala naman doon ito. Hanggang ngayon iniisip pa rin niya kung ano ang p'wedeng mangyari. Kung anak talaga ni Storm si Janice hindi siya p'wedeng magalit dahil bago pa man s