Isang linggo makalipas ang wedding preparation nina Storm at Jeni ay ikakasal na silang dalawa ngayong araw. Sa Hacienda Victoria ang venue ng kasal nila dahil dito nila napiling idaos ang pag-iisang dibdib nila ni Jeni. Pamilya lang ang mga bisita at mga malalapit na kaibigan. Tumulong din ang mga trabahador sa hacienda para matapos nang mabilis ang preparasyon. Sinaunang kasalan ang gusto ni Jeni, kung saan magkakatay ng mga baka, baboy, kambing at manok. Kahapon pa lamang ay nakapagkatay na at kaninang madaling araw ay nagsisimula nang magluto sa malalaking kawa ang mga trabahador nilang lalaki at babae. At ngayon narito ang lahat para saksihan ang isang simpleng kasalanan. Hinihintay ni Storm si Jeni na makalapit sa kaniya sa harapan. Kinakabahan siya at pakiramdam niya may mga na