Baka Sakali Season 2 AiTenshi Part 51 "Hay hindi pa rin ako maka move on sa pag kanta mo noong nakaraang linggo. Feeling ko tuloy para iyon sa ating lahat na walang sawang nakikipag laro sa hamon ng buhay." ang wika ni Aljan habang naka tambay kaming dalawa sa parke "Akala ko nga ay maiihi ako sa salawal. Nakaka takot kayang humarap sa ganoong karaming tao. Teka ang tagal naman ni Perla." ang reklamo ko. "Chillax lang, baka nahihirapan siyang mag lakad. Sa laki ng boobs niya ay baka na trapik na iyon." ang hirit ni Aljan "Ano naman ang kinalaman ng boobs niya sa trapik?" tanong ko "Edi syempre kapag nag lalakad siya ay mapapatingin sa kanya yung malibog na driver at pag katapos ay maaksidente ito. Pag katapos noon ay mag kakaroon na ng trapik sa kalsada at dahil iyon sa s**o ni Per