Baka Sakali AiTenshi Part 38 Si Stephen.. Suot ang leather jacket, puting body fit na tshirt sa panloob. Mas lalo pang gumanda ang kanyang katawan, mas tumangkad, mas pumuti. Mas kuminis at mas gumuwapo. Mukhang nahiyang siya sa kanyang kinakasama dahil sa laki ng improvement sa kanyang dating. Hawak nito ang isang plastic ng prutas, at isang kumpol na pulang bulaklak. Natahimik ako at nawalan ng panandaliang kibo. Pilit kong iniisip kung paano ko ba siya kakausapin kung gayong muling nabuhay ang galit ko sa aking dibdib. Muling nag balik sa aking ala ala ang gabi kung saan ang aming masyang panaginip ay nauwi sa bangungot na magpasa hanggang ngayon ay parang multong naka sunod sa akin. FLASH BACK Halos ilang buwan na rin itong naganap, kinalimutan ko na rin ang lahat ng detalye ngun