Baka Sakali
AiTenshi
Part 24
"Hoy, kayong dalawa diyan. Bumangon na kayo dyan sa sofa at kumain na tayo ng hapunan. Isang nilalagnat at isang lasing. What's wrong sa inyo people?" ang wika ni Tita Pat habang inaayos ang lamesa.
"Tita Pat ang gwapo mo ngayon ah." ang biro ni Stephen noong makita ang aking tiyahin.
"Nambola ka pa Stephen. Isusubong kita sa mama mo e, inom ka ng inom. Lalaki ang tiyan mo niyan at sayang iyang kagwapuhan mo." sagot ni Tita.
"Anong ulam?" ang tanong ko naman habang bumabangon. Ganoon pa rin ang aking pakiramdam ngunit nabawasan naman ang sakit ng aking ulo.
"Nilagang Baka, para makahigop ka ng mainit na sabaw. Pumarine na kayong dalawa dito." sagot ni Tita
"Ayos! Paborito ko iyan." masayang salita ni Stephen at mabilis itong umupo sa harap ng lamesa.
Nag simula kaming kumain at dito ay bumangka na si Tita Pat ng kung ano anong tanong at topic para may mapag usapan lang. "Ikaw ba Stephen ay may girlfriend na?" tanong nito
"Wala po tita." sagot ng binata.
"Wala? Sa gwapo mong iyan? Baka naman boyfriend ang hanap mo?" biro ulit ng aking tiyahin.
Ngumisi si Stephen at lumingon sa akin, sabay sagot "Pwede rin" sabay subo ng kanin.
"Oh bakit kay Marcelino ka tumingin? Baka maya maya ay ma fall sa iyo iyan hindi mo naman saluhin." tugon ni Tita.
"Huwag niyo na nga ako idamay diyan. Masama na nga ang pakiramdam ko pinag ttripan nyo pa ako." pag mamaktol ko naman.
Tawanan ang dalawa..
"Pinag kaisahan pa ako." bulong ko sa aking sarili.
"Bakit po ba kasi hindi pa nag kakaroon ng girl friend iyan si Lino? Mabait naman siya, matalino at mabait." ang naka ngising tanong ni Stephen.
Para naman akong hinataw ng matigas na bagay sa aking ulo sa kanyang tanong. "PANGET eh!" tugon ko dahilan para mag tawanan sila. "Alam nyo naman sa panahon ngayon, pag pangit ka ay walang mag kakagusto sayo. Kahit makipag chat ka sa social media at yung kachat mo ay nang hingi ng picture mo AT hindi niya nagustuhan ang itsura mo ay hindi ka niya rereplyan. SEEN ka nalang! At mamuti ang mata mo kakahintay sa reply na imposibleng dumating." tugon ko na may halong pag kainis.
"Gwapo ka naman bro. Hindi ka lang nag aayos ng iyong sarili. Yung iba nga dyan ay dinadaan sa mamahaling damit at pamatay na porma ang kanilang sarili upang mapansin." wika ni Stephen.
"Depende pa rin sa tao iyon, kung paano ka nila tatanggapin. Kung gusto ka nilang bigyan ng puwang sa buhay nila kahit basahan lang ang suot mo at kahit gaano ka panget ay bibigyan ka nila. Kaso sadyang mapili lang ang mga mata nila, mababaw at napaka mapanuya." sagot ko naman.
"Hayaan mo pag naka ipon ay ipaparetoke ko iyang si Marcelino para maging kamukha siya ni Xander Ford." hirit ni Tita
"Isa pa iyang retoke na iyan, yung baluktot na pananaw ng mga tao na kailangan pa nilang mag pagawa ng kung ano anong cosmetic surgery sa katawan para lang tanggapin sila sa lipunan. Walang ibang mahalaga sa kanila kundi ang ipromote ang sarili para lang masabing nakapakat sila." ang tugon ko pa rin.
"Oh siya, talo na kami ni Stephen. Pero ikaw Marcelino, huwag na kayong nakikipag meet ni Perla sa mga ka chat nyo para hindi kayo narereject. At isa pa ay usong uso ngayon yung nakikipag eyeball tapos ay pinapatay nalang basta basta." dagdag ni Tita
Natawa si Stephen ngunit pigil ito.
"Parte lamang iyon ng eksperimento namin sa uri ng tao sa lipunan. Yung iba ay mang gagamit at yung iba naman mapili at yung iba at walang kwentang pasusyal na famewhore. Kung mabait man sila ay tiyak na aalukin ka lang nilang sumali sa networking nila o bebentahan ng produkto na magiging sanhi ng pag dududa mo sa sarili mo na panget kang talaga." sagot ko na may halong pag kainis.
"Hugot much? Kumain ka pa ng kumain." ang wika ni Stephen at nilagyan pa ako ng kanin sa plato.
Ako naman ay natingin lang sa kanya at nakaramdam ng kakaibang tuwa sa kanyang ginawang kasweetan, ewan basta ganoon na iyon para sa akin.
Matapos ang hapunan, nag linis lang ako ng katawan. Sipilyo ang hilamos saka ako nahiga sa aking silid. Siya namang pag pasok ni Stephen na nakatapis lang ng tuwalya. Unang pag kakataon bumuyangyang sa aking harapan ang kanyang makinis at magandang katawan. Mas lalo yata akong lalagnatin dahil sa sobrang pag ka hot niya. "Ayos ka lang ba troll? Bakit parang tumutulo yata yung laway mo? Naka inom kaba ng clorox?" ang pag tataka nito habang lumalapit sa akin at doon ay inaninag niya ang aking mukha.
Ewan napatingin nalang ako sa kanyang tiyan at sa kanyang manipis na balahibong nakatugon pababa sa kanyang pusod. "Pahiram ako ng extrang short at tshirt okay lang ba? Masyado kasing masikip yung pantalon kong suot. wika niya
"Nandiyan sa cabinet. Mayroon ding extrang toothbrush diyan free lang iyan sa toothpaste kaya pag pasensiyahan mo na." tugon ko naman
"Eh brief meron kang extra?" tanong niya
"Meron diyan sa cabinet, pumili ka nalang sa medyo bago." ang sagot ko
"Wow, slightly used na brief. Second hand." ang wika nito habang namimili sa cabinet.
Ako naman ay nakatingin lang sa kanyang ginagawa at libang na libang ako sa ganoong posisyon. Iyan na yata ang pinaka magandang tanawin na aking nakita.
"Alam mo troll, lalo kang lalagnatin sa ginagawa mong pag titig sa akin. Siguro crush mo ako hano?" tanong niya
"Hindi naman ako bakla." ang tugon ko na kunwari ay naasar
"Bakit kapag ba nag karoon ng pag hanga sa kapwa lalaki ay bakla na? Kailan pa nakabawas ng pag kalalaki ang pag hanga sa kapwa? Baluktot kasi ang pag iisip ng mga tao ukol sa ganyang bagay eh." ang tugon naman niya.
"Parte iyon ng ating kultura na kapag humanga ang isang lalaki sa kapwa niya lalaki ay aakusahan siyang Bakla, binabae, badap, shokla at beklus! Teka nga, dont tell me humanga ka na sa isang lalaki before?" pang uusisa ko
"Oo naman, dati.. Pero agad ring nawala ito." tugon niya sabay ngiti.
"Parang hangin lang? Nag daan lang ganoon?" ang tanong ko ulit.
"Pwede rin." naka ngisi niyang sagot sabay pasok sa banyo.
Ang totoo noon ay sinusundan ko talaga siyang tingin, ewan ngunit hindi ko mai alis ang mata ko sa kanyang kagwapuhan. Binalak ko nga rin silipan siya sa banyo ngunit napaka manyak ko naman kung gagawin ko pa iyon e nilalagnat na nga ako. Lalo lang tuloy ako nakaramdam ng kakaibang init sa katawan.
Makalipas ang ilang minuto, muling lumabas si Stephen sa banyo, naka suot lang ito ng brief at doon ay kitang kita ko na ang bukol sa kanyang ibaba. Tila nanuyo ang aking lalamunan at ang aking pawis ay unti unting lumabas sa aking noo. "Malaki ba?" ang wika nito habang naka ngisi sabay himas sa kanyang bukol.
Maya maya ay gumiling ito na animo macho dancer, hinihimas ang kanyang matipunong dibdib pababa sa kanyang tiyan at ipinasok ang kamay sa kanyang brief saka nag simulang himasin ang kanyang pag lalaki.
Ang kanyang mukha ay naka kagat labi na animo sarap na sarap at ang kanyang mata ay namumungay na animo isang gwapong anghel na isinumpa ng langit at ibinagsak sa lupa upang mag hasik ng tempatasyon.
Lalo yata akong nahilo sa aking nasasaksihan. Tila bumilis ang t***k ng aking puso sa matinding kaba at excitement:
Patuloy siya sa ganoon pag sasayaw noong bigla niya ilabas ang kanyang pag kalalaki na matigas, tirik na tirik na animo sundalong sumaludo sa ere. Makinis, maputi at may kalakihan.
Marahan siyang lumapit sa akin at itinapat sa aking bibig ang kanyang aring mala bakal sabay wika "Isubo mo."
Ibinukas ko ang aking bibig at ninamnam ang init ng kanyang ari nang bigla kong maramdamang may tumatapik sa aking pisngi. "Oi Troll, nag kokombulsyon ka ba? Bakit naka nga nga ka?" ang tanong ni Stephen.
Biglang bumalik sa normal ang lahat. At napatingin ako sa kanya na parang nagulat pa. "Anong nangyari?" tanong ko
"Aba e malay ko, bigla ka nalang natulala at nguma nga ng ganyan. Nag lack ba yung jaw mo?" ang sagot niya habang naka tabi sa akin hawak ang isang basong tubig at tabletang gamot. "Heto dinalan kita ng gamot upang makapag pahinga kana."
Tumingin ako sa kanya "Bagay sayo yung sandong suot mo." ang tanging nasabi ko nalang sabay inom ng gamot.
"Salamat sa pag papahiram. Mag rest kana at kung may kailangan ka ay nandito lang ako sa ibaba." ang wika niya. Doon ko napansin na nag latag na pala ito ng higaan niya doon. Karton na sinapinan ng banig at malambot na blanket.
"Salamat." ang tangin nasabi ko na may halong pag kahiya.
"Huwag kana ulit nga-nga-nga ng ganoon ha. Para kang chuchupa eh." ang natatawa niyang wika
Wari'y sinabuyan ako ng malamig na tubig sa kanyang sinabi. "Tse, puro ka kalokohan diyan." sagot ko sabay takip ng kumot sa aking mukha na tila nakaramdam ng matinding pakahiya sa aking sarili.
"Bakit ka nakabalot ng kumot? Giniginaw ka ba?" tanong nito
"Medyo." sagot ko
"Gusto mo yakapin kita para mawala iyang ginaw mo?"
"Hindi na noh, okay na ako dito."
"Sige sayang naman, masarap pa naman ako yumakap."
"Pa fall ka rin eh." tugon ko
Natawa ito at hinagis sa akin yung isang unan. "Yan nalang ang yakapin mo, amoy kili kili ko na iyan."
"Yuck!" ang sagot ko bagamat agad ko itong kinuha at saka niyakap ng mahigpit.
Kinabukasan, pag mulat ng aking mata ay naamoy ko agad ang ginisang bawang na nag mumula sa kusina. Napatingin ako sa orasan na noon ay 8:30 na kaya naman agad akong bumalikwas ng bangon mula sa higaan.
Lumakad ako patungo sa kusina at dito nga ay nakita ko ito si Stephen na nag luluto ng almusal. "Goodmorning, sabi sa akin ni Tita Pat na maaari akong mag luto kaya kumuha nalang ako ng maaaring gamitin sa ref. Kamusta ang pakiramdam mo?" bungad niya
"Maayos na kumpara kahapon. Salamat sa mga gamot." naka ngiti kong tugon.
"Ayos! Chillax ka lang diyan. Akong bahala sa almusal."
"Sure ka?"
"Oo naman. Marunong rin akong mag luto. Kaso yung mga basic lang ha."
Tawanan..
Marami pa kaming pinag kwentuhan ni Stephen noong mga sandaling iyon. Ang bawat ngiting umuukit sa kanyang labi ay pilit kong itinatatak sa aking isipan. Ang bawat eksena ay ayokong makalimutan. Bakit ganoon? Maliit lang ang tiyansa pero bakit umaasa ako? Bakit parang habang sinasabi ko sa aking sarili na huwag mahulog sa kanya ng tuluyan ay mas lalo lamang akong nahuhulog? Mas lalo kong pinipigil ay mas lalong nag huhumiyaw.
"Hay Stephen, sana ay lagi nalang tayong ganito." ang bulong ko sa aking sarili habang pinanood siya sa pag kain.
Maya maya ay humarap ito sa akin at ngumiti "Oh, bakit di ka kumakain? Di mo ba nagustuhan?" tanong niya
Ngumiti rin ako "Ito ang pinaka masarap na fried rice na nakain ko."
"Bolero ka naman." pag mamaktol niya bagamat halatang natutuwa ito.
Noong mag hapon ring iyon ay naging maayos na ang aking pakiramdam. Bago umalis si Stephen ay pinabaunan pa ito ni Tita Pat ng mga gulay upang mailuto sa kanila. Syempre ay masayang masaya ako sa panibagong level ng aming samahan. At tinitiyak ko na bawat eksenang pinag samahan namin ngayong araw ay naka ukit sa aking puso at isipan.
Itutuloy..