Baka Sakali Season 2 AiTenshi Part 43 "Oh isuot nyo na ito." ang masayang wika ng mama ni Stephen noong makababa kami sa sasakyan. Hawak nito ang dalawang makulay na damit na pang igorot, bahag at mayroon pang hair dress. "Para saan iyan?" ang pag tataka ko "Para sa ritual. Basta mamaya ay malalaman mo rin." ang naka ngising niyang sagot sabay kuha sa dalawang kasuotang hawak ng kanyang ina. Agad naming isinuot ang katutubong kasuotang bahag at ar pang itaas na palamuti sa ulo na pakpak ng manok. "Kailangan talaga naka hubad?" ang tanong ko "Oo, kakainis nga e. Dapat sa akin lang iyang katawan mo. Di dapat makita iyan ng iba." ang wika ni Stephen habang naka nguso na akin namang ikinatuwa. "Edi mag dadamit ako." naka ngisi kong salita "Naku hindi pwede. Magaga