Part 21

1806 Words
Baka Sakali AiTenshi Part 21 Dalawang linggo ang lumipas sa aming semestral break. Unti unting napalapit si Stephen sa akin, bagamat hindi naman ganoon ka close nag level up lang kaunti. Madalas ko siyang nakikita sa liga dito sa bayan. Miyembro kasi siya ng isang kopunan na sinusuportahan ng aming mga kagawad. Pag nakaka salubong kami sa gym ay tinatawag niya ako o kaya ay ngingitian. Dati pa rin ang tawag niya sa akin "troll" at "trolls" naman kapag kasama ko sina Perla at Aljan. Mukhang naka sanayan na niya ang ganoong bansag. "Naku kumakaway si Papa Stephen oh." ang kinikilig na wika ni Aljan habang nanonood kami ng liga. "Oo nga, dito sa direksyon natin. Pero huwag mag padala lalo kana Lino. Feeling mo naman ikaw ang kinakawayan niya. Lumingon ka muna sa likod mo noh." ang wika ni Perla kaya naman lumingon ako sa aking likuran. Dito ay nakita ko sa ang mga babae ng tourism department. Mga naka short at parang miyembro ng girls generation ang mga itsura sa pagiging korean fanatic. "Nakita mo na? Asa ka pa Lino." ang bulong ni Perla. "Ikaw naman kasi Lino hahanap ka lang ng crush dun pa sa gwapo. Si Stephen ay isang tala sa kalangitan at ikaw naman ay isang takla dito sa lupa. Ang mga katulad niya ay tinititigan lang ng mga katulad nating taga hanga. Doon ka nalang sa captain ball nila, yang mukhang gorilya na iyan ay hindi ka sasaktan at lolokohin!" ang pag basag ni Aljan sabay turo sa captain ng kupunan nila Stephen. Napangiwi ako. "Kayong dalawa ay malapit ko na iblock at iunfollow sa social media. Kahilig niyong mag basag trip eh!" ang pag mamaktol ko Nag patuloy kami sa panonood sa liga, syempre malakas ang hiyawan kapag nakaka shoot ang kuponan nila Stephen lalo na kapag siya mismo ang gagawa ng puntos. Yung mga babaeng nanonood ay halos panawan ng ulirat kaka tili. Syempre lumulundag maman ang puso ko sa tuwa kapag lumalamang sila hindi ko lamang pinapahalata. "Umalis na nga tayo dito. Mababasag na ang ear drum ko kakatili ng mga babae dito sa tabi ko!" ang sigaw ni Perla "Sabi ko naman sayo girl wala kang laban dyan sa mga katabi mo. Halika na nga. Luz Valdez naman sila papa Stephen eh." ang wika ni Aljan sabay hatak sa amin palabas ng gym. "Semi finals na kasi kaya malalakas na talaga ng kalaban nila." pag tatanggol ko "Ang sabihin mo gwapo lang talaga iyang si Stephen pero hindi siya magaling. Biruin mo bokya sa free throw at sa Long distance shot. Puro lay up ang alam. Hay nako daig ko pa siya!" wika ni Aljan "Eh kung magaling ka edi sana ikaw nalang ang nag laro." sagot ko naman "Hala, si Lino beast mode kapag si Stephen ang usapan? Malala na iyan kapatid. Halika nga umuwi na tayo!" pag yaya ni Perla. Alas 6 ng hapon noong tumuloy ako sa aming pwesto sa palengke para tumulong kaya Tita Pat. Hanggang alas 8 lang kasi bukas ang aming tindahan kaya dapat isinop ang mga gamit. "Balita ko ay natalo raw yung kuponan nila kapitan? Galit na galit tuloy yung mga kagawad dahil natalo sila sa pustahan." tanong ni tita. "Natalo nga po Tita, masyado lang malakas yung kalaban kaya't natambakan sila ng 12 puntos." "Naku e malaki iyon. Kaya naman pala galit na galit ang coach nila." "Oo nga tita, pero ginawa naman nila ang lahat ng makakaya nila para makabawi." ang pag tatanggol ko naman. At habang nasa ganoong pag aayos kami ng mga gamit ay siya namang pag dating ni Stephen sa aming tindahan. "Ikaw pala, kamusta?" ang naka ngiti kong tanong. "Eto, busog sa sermon ni coach mula ulo hanggang paa. Teka, kinakawayan kita kanina ah, bakit hindi ka man lang tumutugon? Mukha tuloy akong tanga na kumakaway kaway sa court." pag mamaktol nito dahilan para matawa ako. "Sorry, ang akala ko ay yung magagandang babae sa likod ko ang kinakawayan mo." Tumulis ang nguso niya na parang nag papa cute. Pa fall talaga ang loko. Ako naman kong parang tangang hulog na hulog sa kanya. "Oo na Stephen ang tagumpay kana na mahulog ako. Basag na basag at lagapak kung lagapak." ang bulong ko sa aking isipan habang nakatitig sa kanyang mukha. "Uy, bakit troll, bakit ganyan ka makatitig sa mukha ko? Nababakla ka yata eh" pang aasar niya "Hindi ah, hindi ako bakla." ang sagot ko naman dahilan para matawa ito. "O siya, alam ko naman na hindi ka bakla. Mag bilhan mo naman ako ng isang kilong galunggong at saka iyang kamatis." ang naka ngiti niyang dagdag. "Sarsiadong galunggong?" ang tanong ko naman. "Oo naman at ako mismo ang mag luluto." ang pag yayabang niya "Marunong kaba?" "Oo naman. At pag naka tikim ng luto ko ay baka makalimutan mo ang pangalan mo." "Yabang mo naman." pang aasar ko bagamat kilig na kilig na ako. "Sana kamatis nalang ako para maging paborito mo rin ako." nag bulong ko "May sinabi ka ba?" ang tanong naman niya "Ah wala. 80 pesos nalang daw libre na yung kamatis sabi ni tita." ang tugon ko "Wow ayos! Salamat Tita Pat!" ang masaya niyang salita "Wala iyon hijo." ang sagot ni Tita Ngumiti si Stephen at kinuha ang plastic. "Salamat troll. Nga pala, hindi lang naman kamatis ang paborito ko. Gustong gusto ko rin ang kabaitan mo. Humble at walang yabang sa katawan. Diyan ka mamahalin ng lahat." naka ngiti niya salita sabay lakad paalis sa aming tindahan. Ako naman ay natutula at napapatitig sa kanyang pag lalakad. Hindi ko makapaniwala na sinabi iyon si Stephen sa aking harapan. "Tama yung sinabi niya Lino, hindi mo kailangan baguhin ang sarili mo para magustuhan ka ng tao sa paligid mo dahil ang totoong ikaw na may kalakip na kabutihan at pag mamahal ay sapat na upang ikaw ay mapansin at umangat sa iba." wika ni Tita Pat Nangiti ako at napa hinga na lamang "Iyan din ang iniisip ko minsan, kung may tao pa bang tumitingin sa ugali ng isang tao upang maappreciate niya ito. Halos karamihan kasi sa ating paligid ay mapang husga at ang tanging nakikita lang ay ang pisikal na anyo. Iyon ang mahalaga sa kanila. Kung ganon si Stephen ay nabibilang na sa mga Prehistoric na kaibigan ang ibig kong sabihin ay endangered at bihira nang matagpuan." ang wika ko naman habang lumulutang sa tuwa. Natawa si Tita Pat. "Iyan ang epekto ng masyadong pag babasa ng kwento online." "Lalo lamang akong nahulog sa kanya. Parang isang droga na mahirap alisin sa aking katawan. Parang isang magandang sumpa na lumulukob sa aking pag katao. Tila isang magandang trahedya na ikinatuwa ko pa ang pag salanta sa aking buhay." Iyan ang bulong ko pa sa aking sarili habang naka pako sa aking kinatatayuan. Isang linggo ang lumipas, nag karoon ng event sa aming subvision ayon na rin sa pag diriwang ng nalalapit na undas. Programa ito ng aming mayor para sa mga kabataan at umaastang kabataan upang matuon ang atensyon sa creativity at hindi sa masamang bisyo. "Costume party para sa halloween?" ang tanong ko naman. "Oo naman. Last year ay hindi tayo naka join dahil sa isang katutak na term paper no. Ngayon its our time to shine!!!" ang pang eenganyo ni Perla "Oo nga naman sumali kayo, as is lang.. Huwag na kayong mag effort sa costume. Iyan na yon! Panalo agad kayo!" ang pang aasar ni Aljan "Ah ganon? Halika rito at kakalbuhin kita! Chakang to!!" ang galit na sigaw ni Perla "Oh ano Lino, sasali ka ba? Join na!! Sayang ang 15k na premyo pag nanalo ka sa best in costume! Sa itsura mong iyan tiyak na mananalo ka!" pang aasar pa nila Yan ang kaibigan eh, hindi ka nila pupurihin at lalaitin ka pa nila mula ulo hanggang paa saka mag tatawanan. "Ayokong sumali. Wala akong hilig sa ganyang event." sagot ko "Naku nawalan kana naman ng self condifence. Katulad noong sumali ka sa singing contest na iyan, hinimatay ka at naihi sa backstage. Alam mo kailangan mong kapalan ang face mo Lino, hindi pwedeng mas mahiyain ka pa sa damong makahiya. At isa itong party na ito ay hindi pa gwapuhan, papangitan ito kaya mas malaki ang chance mong mag standout sa crowd!" wika ni Perla "Yes, hindi mo na kailangan aplayan ng cream silk ang buhok mo para mag stand out ka! Dahil sa halloween party na ito tiyak IKAW ang bida!!!" ang dagdag ni Aljan na parang nag cocommercial. Tawanan ang dalawa.. "Kaibigan ko ba talaga kayo? Bakit ang hard nyo sa akin?" ang pag tatampo ko "Alam mo Lino my dear, ang tunay na kaibigan ay pag tatawanan ka pag nadapa ka. Lalaitin ka at isasampal sayo ang katotoohanan sa hard way! Mas mainam na yon kesa naman sa kaibigan na pinupuri ka mula ulo hanggang paa pero pag tumalikod kay sasaksakin ka!" ang hirit ni Aljan Tawanan nanaman sila.. "Basta ayoko ng mga ganyang kaartehan!" sagot ko sabay pasok sa loob ng bahay. "Ay ganoon ba? Sayang naman pala. Nakita ko nga si Papa Stephen kanina doon sa palengke bumibili ng tela, mag papa tahi raw siya ng dracula costume para sa event. Sayang naman wala si Lino!" ang pag paparinig ni Perla na talagang tumapat pa sa bintana upang marinig kong mabuti ang kanyang sinasabi. "Oo nga naman. Ang gwapo gwapo pa naman talaga ni papa Stephen. Parang si Ronnie Alonte lang at mas gwapo pa nga eh!" ang pag paparinig rin ni Aljan. Napahinto ako at napa isip. Kung sa bagay ngayon ko lang makikitang naka costume si Stephen. "Kailan ba iyan? Cge na nga. Pero kayo bahala sa damit ha." ang wika ko naman. "Yes naman! Kami ang bahala sa iyo. Teka mas bagay sayo ay zombie, pwede ring tikbalang." wika ni Aljan habang umiikot sa aking harapan "Bampira nalang din ako. Blood sucker!" ang masaya kong suhestiyon. "Blood Sucker? Gaga si Rael iyon noh! Gwapo iyon! Zombie ka nalang o as is nalang kaya. Ganyan nalang!" ang pang aasar ni Perla "Wag na nga akong sumali dyan!" "Ay! Eto naman di na mabiro. Kami na bahala sayo." pag bawi niya. "Basta dont worry kami ang bahala sayo! Siguradong maiuuwi mo ang titulong Mr. Undas 2017! go na go!! Fyt win!!" ang malanding wika ni Aljan dahilan para mapailing nalang ako. Sa susunod na araw na ang event kaya naman noong sandali ring iyon ay naging abala na ang dalawa sa pag hanap ng mga materyales para sa kanilang costume. Ang totoo ay excited rin naman ako, na makita si Stephen at makasama siya sa ganoong uri ng event. Sana lang ay maganda ang kalabasan at hindi ako maging isang bulaklak sa pader katulad ng mga babasa ko sa mga kwento. Yung tipong hindi nag eexist at hindi napapasin. Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD