[Migs's POV] Pinagkaabalahan kong mag search sa internet naging curious ako sa mga sinabi ni Sarah kay Mr. Suarez sadyang inalam ko kung totoo nga ang lahat ng iyon o isa lang imbento. Ano nga ba ang pinaggagawa ko ng mga nakalipas na taon at masyado akong na outdated sa mga balita. Na discover ko mula sa aking pagiimbestiga na si Sarah Ferrer pala ay sikat na fashion designer, siya ang gumagawa ng mga design ng damit na binebenta nila sa Market at totoong indemand siya sa US, napakarami nitong tv guestings at commercials maliban pa sa mga billboard nito na nag kalat sa iba't -ibang parte ng America at kailan lang ay nasama siya sa Most Influential People ng Time Magazine at hindi ko lubos maisip ay kung bakit ito bumalik ng Pilipinas gayong napaka ganda ng career niya sa ibang bansa