bc

Torn Between Two Lovers

book_age16+
1.1K
FOLLOW
9.9K
READ
escape while being pregnant
opposites attract
arrogant
comedy
sweet
lighthearted
campus
city
enimies to lovers
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

I am torn between two gorgeous men and my bestfriend. Who will I choose? - Annieca Shiela De Guzman

xx Cloud Henry and Annieca Shiela's story from TFM

chap-preview
Free preview
Chapter 1
CHAPTER 1 TBTL 1   [Annieca Shiela]   Isang magandang babae ngayon ang nakaharap sa isang full length mirror. Inaayos nito ang mahaba nitong buhok na hanggang bewang niya. Medyo wavy ang buhok niya na bumagay sa kaniya.   May suot suot siyang kulay dilaw na headband na may design na BIBE.   Binili niya itong headband na ito sa isang shop sa Mall nung nakaraang linggo.   Ang cute kasi atsaka favorite niya ang Bibe. Hahahaha   "Hala Annie! Ang ganda ganda mo talaga!" Sabi niya at ngumiti siya ng pagkalapad lapad.   Yes, Her name is Annieca Shiela De Guzman. The one and only. Ang pinakamaganda sa balat ng balat ng balat ng balat ng balat ng lupa. Harhar.   "Why so Ganda Annie?" She said to herself at nakangiting pinagmasdan niya ang kaniyang sarili sa harap ng full length mirror.   Nakasuot siya ng jersey shorts at yellow shirt na may nakasulat na Kwak Kwak sa harapan.   Napangiti siya ng malapad nang mapansin niya ang suot niyang headband na May design na bibe.   "Hihi bibe! May tatlong bibe akong nakita! Mataba, mapayat, mga bibe. Ngunit ang may pakpak sa likod ay iisa, siya ang lider na nagsabi ng Kwak Kwak. Kwak kwak, kwak kwak. Siya ang lider na nagsabi ng kwak kwak." Kanta niya sa favorite song niya.   Favorite niya itong kantang to since nung kinder sila ni Cloud. Nursery rhyme kasi ito at nagandahan siya sa kanta kaya naging favorite niya. Nung high-school naman siya nagsimulang maging fan ng mga bibe. She found duck so cute, kaya eto nahilig siyang mangolekta ng mga bibe na items. Duck stufftoys, duck pillows, duck notebooks, duck ballpen at kung ano ano pang duck stuffs. Kulang na lang mag-alaga siya ng bibe. Kaso di pwede kasi tiyak na pagagalitan siya ng kaniyang nanay at nila Tita Gands.   Kinanta niya ang Bibe song with matching steps pa kaya para siyang loka loka na tumawa pagkatapos.   May kabaliwan din siyang taglay noh? Hays.   She composed herself at napagdesisyunan na niyang lumabas na ng kwarto niya.   Aba! Level up na siya! Kung date ay sa iisang kwarto lang sila ng Nanay at Lola nya natutulog dito sa bahay ng mga Santos. Ngayon may sarili na siyang kwarto, pate nanay niya.   Grabe nga eh. Ang bait bait sa kanila ng mag-asawang Santos. Sila Tita Gands at Tito Gwaps.   Parang tunay na kapamilya talaga ang turing sa kanila. Never silang tinuring ng mga ito na kasambahay.   Halos lahat din ng gamit niya at gamit ng Nanay niya, ay galing kala Tita Gands at Tito Gwaps.   Ang dami dami nang naitulong sa kanila ng mga Santos kaya ang laki laki ng utang na loob niya sa mga ito. Pate pag-aaral niya ay sagot ng mga ito kaya pursigido siyang makapagtapos ng pag-aaral.   Anyway, Nanay na niya ang kasama niya ngayon at hindi na ang Lola niya. Masyado na kasing matanda ang Lola niya para magtrabaho pa. Napagpasayahan na nilang pauwiin ito sa probinsya nila noong nakaraang taon.   "Hi Ate Annie!" bati sa kaniya ni Sky pagkababa niya ng hagdan.   Si Skylie Elizabeth Adrenal Santos o Sky for short ay ang nakababatang kapatid ni Cloud. Siyam na taon ang tanda ni Cloud kay Sky. 18 na si Cloud at 9 naman si Sky.   Lumapit naman siya dito. Nakaupo kasi ito sa marmol na sahig ng bahay habang naglalaro ng doll house nito.   "Hi Sky!" bati niya rito at ginulo niya ang itim na itim na buhok nito. Umupo siya sa tabi nito.   Ang cute-cute kaya nitong si Sky. Parang manika ito. Bilugan ang maiitim na mga mata nito at mahahaba ang pilikmata. Tapos ay ang cute ng ilong nito at ang nipis ng labi. Ang buhok naman ito ay mahaba na hanggang bewang nito at kulot sa ilalim.   "Ate naman. Pinaghirapan ayusin ni Kuya Cloud ‘yung buhok ko po eh tapos po guguluhin mo po," naka-pout na sabi nito sa kaniya.   Tumawa siya.   "Talaga? Inayusan ka ni Kuya Cloud?" natatawang tanong niya.   Aba himala at inayusan ni Cloud ang baby sister nito. Yamot na yamot kaya si Cloud kapag nagpapaayos dito si Sky. Nagmumukha daw kasi itong bakla. Pero dahil nga mahal na mahal ni Cloud ang nag-iisang kapatid ay ‘di nito natitiis si Sky kapag nag-pout na ito.   Tumango naman si Sky habang inaayos nito ang ribbon sa buhok nito.   "Opo. Ang galing nga po ni Kuya eh," inosenteng sabi nito.   Tumawa naman siya at lumapit siya kay Sky.   "Wag kang maingay Baby Sky. May sasabihin si Ate," sabi niya rito.   Inosenteng tumingin naman ito sa kaniya.   "Ano po ‘yun, Ate?"   Inilapit niya ang bibig niya sa tenga nito at bumulong.   "Bakla si Kuya Cloud mo," saad niya.   Nanlaki naman ang mga mata ni Sky at napatingin sa kaniya.   "Talaga ate?" ‘di makapaniwalang sabi ni Sky sa kaniya.   Ngumiti siya at tumango tango.   "Sshh ka lang ha?" she said at tumawa siya.   Tumango-tango naman ito.   Pero she doubted na tatahimik lang ito about sa sinabi niya.   Knowing Sky? Lahat ng kalokohang sasabihin niya rito tungkol sa kapatid nito ay nakakarating kay Cloud. Hahahaha may pagkasumbungera itong si Sky eh.   "Hahahaha sige na. Diyan ka muna ha?" Paalam niya dito at tumayo siya.   Tinanguan lamang siya nito at bumalik na ito sa paglalaro ng doll house nito.   Natatawang naglakad siya papunta sa kusina.   Speaking of Cloud, aba himala at wala ata ang mokong na yun. Tahimik yung buong bahay eh. Walang nang-aasar na Ulap.   Pagpasok niya sa kusina ay nadatnan niya si Tita Gands na may kung anong hinahalo.   Lumapit siya dito.   "Hi Tita Gands!" bati niya rito.   Napatingin naman ito sa kaniya at nginitian siya.   "Hello Annie. Gising ka na pala," saad nito sa kaniya at pinagpatuloy ang paghahalo.   Mukhang gagawa ng pancake si Tita Gands. Pancake mixture pala kasi ang hinahalo nito at nakita rin niya ang box ng pancake sa may lababo.   Anyway, si Tita Gands niya pala ang nanay nila Cloud at Sky. Asawa ni Tito Gwaps. Euphemia talaga ang pangalan nito pero mas trip niyang tawagin itong Tita Gands dahil sa gandang taglay nito. Simple yet beautiful ang peg ng kagandahan nito. At ang asawa naman nitong si Tito Gwaps ay Lelouch ang tunay na pangalan. Tito Gwaps lang ang tawag niya rito dahil sa super pogggggiii nito.   "Tulungan ko na po kayo," nakangiting sabi niya.   "No, hindi na. Ayos lang," saad nito at nginitian siya.   Napatango na lamang siya at pinanood na lamang niya ito.   "Ay Tita Gands, si Nanay po pala?" tanong niya dahil parang di ata niya nakikita ang nanay niya.   "Ay oo nga pala. Inutusan kong mag-grocery si Aling Anya," saad nito.   Napatango siya.   "Ganon po ba? Sige po," she said.   Sayang naman at ‘di niya naabutan ang nanay niya. Samahan niya sana ito para matulungan niya ito sa pagbitbit ng mga pinamili nito.   "Don't worry. Kasama niya si Manong Berto." Tukoy nito sa bagong family driver. Nagresign na kasi si Manong Delfin dahil may katandaan na ito at pinagpapahinga na ito ng pamilya nito.   "Okay po," she said.   Pagkatapos maghalo ni Tita Gands ay binuhay na nito ang stove at isinalang ang frying pan.   "Anyway, Annie, hinahanap ka nga pala ni Cloud," saad nito habang hinahanda nito ang mga gagamitin nito sa pagluluto.   Napaayos naman siya.   "Po? Bakit daw po? At nasan po ba siya Tita Gands?" tanong niya.   Tinignan siya ni Euphemia.   "Nasa school niyo. Mag-eenroll daw siya ngayon. Tumawag siya sakin kanina, nagrereklamo. Di mo daw kasi sinasagot mga tawag niya," sabi nito.   Napasimangot siya.   Buwisit talaga yung Ulap na ‘yun. Hindi man lang siya hinintay magising. Excited mag-enroll kainis!   Ang usapan kasi ay sabay silang mag-eenroll tapos ngayon nauna na ito sa school. Ulap talaga!   Grr.   Third year college na kasi sila ngayong darating na pasukan. Pareho sila ng course na kinuha. Business Administration major in Marketing.   Si Cloud kasi ang magmamana ng kumpanya ng pamilya nila kaya Business course ang kinuha nito. At siya, well pinilit lang siya ni Cloud para daw magkasama sila sa iisang course. Punyets nga eh.   "Nakasimangot ka na. Hahahaha sige na umakyat ka na sa taas at mag-asikaso. Malamang beastmode na sayo yung anak kong ‘yun," natatawang sabi sa kaniya ni Tita Gands.   Lalo siyang napasimangot.   "Naku, wala nang bago do’n Tita Gands. Beast mode naman lagi sa ‘kin ‘yun. Hayaan mo po, beastmode din po ako sa kaniya kaya quits lang po kami." Nakasimangot na sabi niya.   Lalong tumawa si Euphemia habang naglalagay ng mantika sa frying pan.   "Loka loka ka talaga Annie."   Tumawa na lang siya.   "Sige ho Tita Gands. Akyat muna ako," paalam niya at lumabas na siya ng kusina.   Naiinis na umakyat siya sa hagdan at pumasok sa kwarto niya.   Buwisit talaga yung Ulap na yun. Di marunong manghintay. Wala tuloy siyang kasabay pumunta sa school. Letse talaga.   Pagpasok niya sa loob ng kwarto niya ay naabutan niyang nagriring ang phone niya.   Malamang si Ulap ang natawag. Tss.   Kinuha niya mula sa bedside table ang phone niya at tama nga ang hinala niya. Si Ulap ang natawag.   She answered the call.   "Helloooo"   (Where the hell are you?! Kanina pa kita tinatawagan tas ngayon ka lang sumagot?!) Inis na bungad sa kaniya ni Cloud.   Aba tarantado talaga ‘to. Kasalanan ba niyang tulog pa siya sa mga oras na tumatawag ito?! Letse talaga ‘tong Ulap na ‘to.   "Hoy! Ikaw pa may ganang mainis! Eh ikaw nga tong ‘di marunong maghintay. Sapakin kita diyan eh!" inis na sagot naman niya.   (Tss. Usapan kasi 8:30 aalis na tayo! Eh wengya ka naman! 9 na tulog ka pa. Nahilik ka pang Freak bibe ka!) sagot naman nito sa kabilang linya at biglang tumawa.   Napasimangot siya. Hindi siya nahilik noh. Gago talaga tong Ulap na to.   "Di ako nahilik! Imbentor!!" inis na sagot niya.   (‘Di daw! Kaya pala pagpasok ko sa kwarto mo ang lakas lakas ng hilik mo with matching yakap ka pa sa duck pillow mo.) natatawang sabi nito.   Tingnan mo tong isang to. Kanina naiinis ngayon naman tawa ng tawa at ang lakas na naman mang-asar. Baliw talaga, eh.   "Tigilan mo nga ako," inis na sabi niya.   Nakakapika talaga ‘tong Ulap na to.   (Bilisan mo pumunta rito Annieca Sheila kung ‘di ikakalat ko tong picture mo habang natutulog ka sa Facebook!) pamba-blackmail nito sa kaniya.   Nanlaki ang mga mata niya.   Huhu! Letse talaga! At pinicture'an pa talaga siya habang natutulog ah! Letseng Ulap to!   "Buwisit ka talaga! Subukan mong ikalat yan, ikakalat ko din yung litrato mo noong bata ka na tumatakbo ka habang nakahubo't hubad! Kita pa si Junjun wahahahaha! Ano?!" pamba-blackmail din niya dito.   Aba ‘di pwedeng eto lang ang may pangblackmail sa kaniya, dapat siya rin may pang-blackmail dito.   Harhar!   Matalino ata to!   Narinig niya ang mahinang pagmunura nito sa kabilang linya. It means, napikon ito at siya ang panalo. Harhar!   (You're such a freak! Bilisan mo na nga lang!)   Then the line went dead.   Natatawang inilapag niya ang phone niya sa bedside table.   Pikon talaga ang Ulap na yun. Hahaha kinuhabna niya ang towel niya at pumasok sa banyo.   Tatagalan niya ang pagligo. Bahalang maghintay ang Ulap na ‘yun. Harhar!   ++   "Ang tagal mo naman!" inis na bungad sa kaniya ni Cloud pagkarating niya sa school nila. At pagkalapit niya rito. Nakaupo kasi ito sa isa sa mga bench na pakalat kalat dito sa loob ng school nila.   Inirapan lamang niya ito. Well, sinadya nga niyang tagalan ‘di ba? Serves him right.   "Tss pasalamat ka nga at dumating pa ko. Balak ko sanang wag kang puntahan at pag-intayin sa wala kung di lang ako maganda at mabait," masungit na sabi niya.   Sinamaan naman siya ng tingin ni Cloud. Pero tinaasan niya lamang ito ng kilay.   "Tss! Halika na nga!" aya nito sa kaniya at tumayo na. Lumakad ito ng mabilis palayo sa kaniya.   Tingnan mo tong lalaking to! Bigla biglang nangiiwan. Pikon kasi!   "Hoy lalaki mang-intay ka nga!" At hinabol niya ito.   Buti na lamang at biniyayaan siya ng tangkad at mabilis niyang nahabol ito. Matangkad din kasi ang loko. Tss.   "Anyway, asan sila Kiona? Andito ba sila?" Taning niya rito.   Ang tinutukoy niya ay yung dalawang babae na kaibigan niya. Sila Kiona at Kyoko. Kambal ang dalawang yun at anak nina Tita Coleen at Tito Clariville. Mga kaibigan ni Tito Gwaps.   "Wala. Di pa sila mag-eenroll. Tinatamad pa daw." Sagot ni Cloud.   Napapoker face siya. Katamaran nga naman ang kambal na yon. Pate pag-aaral kinatatamaran. Sabagay, matatalino naman ang mga yun kaya keri lang.   "Eh si Zeke?" Tukoy naman niya sa bestfriend nito na anak nila Tita Nanalie at Tito Trake.   "Tss. Ako kasama mo pero kung sino sino hinahanap mo." Inis na sabi nito.   Natawa siya sa sinabi nito.   "Luh! Tampo si Ulap." Natatawang sabi niya.   "Tss ewan sayo."   Dumiretso sila ng Registrar para kumuha ng registration slip. Pagkatapos ay kumuha sila ng subject nila for this semester at dumiretcho sa cashier para magbayad ng tuition fee and tenen! Enrolled na sila!   Yung pera na pinambayad niya ay galing sa ipon niya. Oh well, syempre nakakahiya naman kung hihinge siya ng pangbayad ng tuition kay Tita Gands. Kahit pa sabihin na sagot nito ang pag-aaral niya. Nakakahiya pa din.   "Uuwi na tayo?" Tanong niya kay Ulap.   Tapos na kasi sila mag-enrolled at kasalukuyan silang naglalakad papunta sa parking lot ng school.   May kotse na kasi si Cloud. Regalo sa kaniya nina Tita Gands and Tita Gwaps nung 18th birthday nito.   Mercedes Benz McLaren na kulay black ang kulay.   "Tss. Hindi pa." Sagot nito at cool na cool na naglakad.   Chin up at nasa loob ng bulsa ang mga kamay nito.   Tinitigan niya itong maige.   Honestly, Cloud is so handsome. May sarili itong paraan kung paano nito pamamanghain ang mga babae sa kagawapuhan nito. He can make all girls drool for him in his own delicious ways.   Ang ganda kasi ng features ng mukha nito. Brown eyes na sobrang mapupungay. Mahahabang pilikmata, matangos na ilong at mapupula at maninipis na labe. Ang buhok nito ay spikey na may pagka'messy. Ragged ang itsura nito pero napakagwapo at ang lakas ng dating.   Lalo na pag-siryoso ito, jusme, nakakatulaley ang kagwapuhan nito.   Pagdating sa katawan ay well-built naman ito. Well built chest and washboard abs.   Oo may abs ito! Nakita niya ito nung one time na nags-swimming ito sa pool noong nakaraang linggo.   Pag-ahon nito ay talaga namang napanganga siya. Paano ba namang hindi eh parang model ang pag-ahon nito. Yung way nang paghawi nito sa basang basang buhok nito at at ang tubig na tumutulo pababa sa abs nito.   Huhu jusme, muntik na niyang makalimutan na mortal enemy niya itong si Cloud.   Yes mortal enemy/childhood bestfriend niya ito. Nagkakasundo naman sila paminsan minsan.   At ang huli, ang tindig nitong mala-model. Oh, ‘di ba? Ang hot at ang gwapo ng mokong. Masama lang talaga ugali ng isang to eh. Tsk tsk.   "Ouch!" Daing niya nang tumama ang ilong niya sa likod nito.   "Ano ba! Bat kasi bigla bigla kang nahinto?!"   Inis na sabi niya kay Cloud.   Tsk! Naman eh. Nasaktan tuloy yung precious nose niya.   Nakangising tinitigan siya ni Cloud.   "Eh kasi sino bang nagsabi sayo na pagpantasyahan mo ko? Alam kong gwapo ako, pero wag mo naman akong pagpantasyahan Annie." Nakangising sabi nito.   Naningkit naman ang mga mata niya.   "Hoy di kita pinagpapantasyahan!" Sigaw niya rito at inirapan niya ito.   "Di daw. Kaya pala titig na titig ka sakin habang naglalakad tayo. Di mo tuloy alam na nasa parking lot na tayo. Wag kasing ganon Annie." Nakangising sabi pa rin nito.   Napasimangot siya.   Ang lakas talaga nang apog ng lalaking to. Napakahangin.   At oo na, ngayon nga lang niya nareliazed na nasa parking lot na sila at huminto pala ito dahil nasa tapat na sila ng sasakyan nito.   "Letse! Ang hangin mo!" Inis na sabi niya rito.   Tumawa naman ito ng nakakaloko.   "Sumakay ka na nga." Utos nito sa kaniya.   Nakasimamgot na sumakay siya sa pasenger seat at sumakay naman ito sa driver's seat.   He started the engine and nagdrive na ito paalis ng school.   "San ba tayo pupunta? Hoy malapit na maglunch! Nagugutom na ko!" Sabi niya kay Cloud.   Saglit na tinitigan siya nito at bumalik din agad ang tingin nito sa daan.   "Sa mall na tayo kumain." Saad nito.   "Bat sa Mall pa? Pwede namang sa bahay niyo na." At inirapan niya ito.   "Tss. Bibili na tayong gamit." Sagot nito.   Nangunot ang noo niya.   "Ano? Hoy lalaki tigilan mo ko! Wala akong dalang pera noh! Para ka talagang tanga!" Inis na sabi niya.   Nakita naman niyang tumaas ang isang kilay nito.   "Ang ingay mo! Manahimik ka na nga lang. Ililibre kita wag kang mag-alala!" Inis din na sabi nito.   Bigla naman siyang napangisi.   "Talaga?"   Saglit siyang tinignan ulit nito at balik ulit sa daan.   "Oo nga! Now shut you mouth!" Naiinis na sabi nito.   Tumawa naman siya at nanahimik na.   Ok libre nito ngayon! Harhar! Makakatipid siya ngayong pasukan. Hahaha.   ++   "Ano ba Ulap! Umayos ka ha! Pwede namang kumuha ng basket eh!"   "Ayoko nga! Wag ka na ngang umangal! Di kita ilibre diyan eh!"   "Letse ka talaga!"   "Freak bibe ka talaga!"   Kanina pa sila nag-aaway ni Cloud dito sa National Bookstore. At kanina pa din sila pinagtitinginan ng ibang mamimili.   Paano ba naman kasi! Itong Ulap na to marami palang gamit na bibilin di man lang kumuha ng basket! Buwisit ‘di ba?! Pinabitbit sa kaniya lahat! Nakakabuwisit!   Pero ‘yung ibang tumitingin, tumitingin sa kanila hindi dahil sa nag-aaway sila kundi dahil nagagwapuhan kay Cloud. Lalo na yung ibang mga teenager na babae, kilig na kilig kay Cloud.   Duh! Bading ‘tong isang to! Gwapo lang to pero bading ‘to!   Kanina pa sila nandito sa bookstore. Pagkatapos nilang kumain ay agad silang dumiretso dito.   At naaasar na talaga siya.   Ang dami nang nabili nito samantalang siya isang binder, dalawang ballpen, at isang yellow pad lang. Ito kung ano anong kaek-ekan pa ang kinukuha. May dalawang binder, dalawang yello pad, isang box ng ballpen, isang tech pen, t square, rulers, pencils. Nakakaasar. Business ang course nila pero ang mga binibili nitong gamit pang engineering. Grr! Kung buti ba kung ito ang nagbibitbit eh hindi eh! Siya! Siya! Kaasar talaga!   Kung di lang talaga siya ililibre nito, baka binato na niya lahat ng ito sa Ulap na yun!   "Oh bayaran mo na yan dun sa counter," utos nito sa kaniya.   Nangunot ang noo niya.   "Pera? At saka tulungan mo ko dito!" inis na sigaw niya dito.   Kumuha naman ito ng pera sa wallet nito at ibinigay sa kaniya.   Hirap na hirap na kinuha naman niya iyon.   "Kaya mo na yan. Iintayin kita sa labas," saad nito at nginisihan siya.   Tingnan mo talaga ‘tong lalaking to! Sabi na nga ba't nang-aasar lang ito eh. Buwisit talaga.   Wala siyang nagawa at naglakad na siya papunta sa counter.   Nakasimangot siya habang naglalakad.   Minsan talaga ang sarap ibaon sa lupa nung Ulap na yun. Lakas mang-asar eh. Pahirap sa buhay. Kainis.   Malapit na sana siya sa counter nang biglang may bumunggo sa kaniya.   "Ay!"   Dahil medyo malakas ang pagkakabunggo sa kaniya ay nabitawan niya ang mga pinamili nila ni Cloud. Nagkalat ang mga ito sa sahig.   Aish! Buwisit nga naman talaga!   "Sorry Miss! ‘Di kasi natingin sa dinaraan ko. Sorry," boses ng isang lalaki.   So, lalaki pala ‘tong nakabunggo sa kaniya.   "Okay lang," she said politely. Kahit sa loob loob niya ay gusto niyang sakmalin ‘tong bumunggo sa kaniya.   Tinulungan naman siyang magpulot nung lalaki. Pagkatapos ay tumayo na sila.   "Sorry Miss," saad ulit nito.   Busy pa siya sa pag-aayos nung mga gamit sa mga braso niya kaya ‘di niya makita ang mukha nang lalaki.   "Okay nga lang," she said.   Paulit ulit naman ito.   "Sorry ulit." Saad nito.   Napasimangot siya. Aish! Unli ba tong si Kuya? Nakakailang sorry na ba siya? Asar ha!   Nag-angat siya ng ulo at tinignan si Kuya. Handa na sana siyang barahin ito nang mapatigil siya nang makita ang mukha nito.   Literal na napanganga siya.   Oh My Mama!   Ang POGIIIII NAMAN ITECHHHH! KEGWAPONG NILALANG! 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

He's Cold Hearted

read
160.8K
bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M
bc

Broken Angel

read
4.0K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.4K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
187.1K
bc

The Hottest Billionaires 3: Kieran Balinger(The Bad Boy)

read
399.1K
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook