Sa hindi mabilang na pagkakataon ay muling nagbuga ng hangin si Adrian. Kahit na ilang ulit niyang sinigurado na magiging matagumpay ang pinaplano ay hindi niya pa rin maiwasang kabahan. This plan was so critical, and he’s overthinking. How can he not overthink when his family’s safety depended on how his plan would work? He had planned everything out. From how he can get rid of the guard to how they were going to leave this place undetected. Kailangan nilang makaalis dito na hindi namamalayan ng mga tauhan ni Lozano, at kung mamalasin man sila at mayroong isang makaalam na umalis sila, kailangan niya ng isang pang plano. Dahil sa oras na malaman ng mga tauhan nito na tumatakas sila, siguradong malalagay sa matinding panganib ang pamilya niya, lalo na’t mahina na kumilos ang ina n

