Fabian raised an eyebrow when he saw Gigi’s wide grin as she strode out of the kitchen. Tumingin pa ito sa kan’ya na parang galing sa isang matagumpay na labanan, tila nagmamalaki. Hindi tuloy maiwasan ni Fabian na magtaka sa kinikilos ng dalaga. Hinawakan niya ang braso ni Gigi at pinigilan ito. “What happened?” Nagkibit lamang ito ng balikat ang tumingin sa pinto ng kusina bago tumawa. “Ewan, tingnan mo na lang sa loob.” Binawi nito ang braso at umalis na. Nagmamadaling pumasok si Fabian sa kusina at doon ay nadatnan niya ang kapatid na nakahiga sa sahig, namimilipit sa sakit at sapo ang p*********i. All his life, Fabian had never seen Roccio in a vulnerable state. Ang nakikita niya ngayon ay hindi ang matapang at nakakatakot na Roccio. “What happened, Ross?”

