Mabilis ang naging kilos ni Gigi at sinalubong ng isang mainit na yakap si Tyron. Halos maiyak-iyak siya nang makita niya anf bulto nito habang bumababa sa sasakyan. “Hey,” natatawang gumanti ng yakap ang binata kay Gigi. He’s glad that she’s safe now in JD’s hands. Hindi pa rin makapaniwala si Tyron na kayakap na niya ang dalaga ngayon. Isang patunay na hindi siya nananginip ay ang mainit na katawan nitong nakadikit sa kan’ya. He’s been so worried about her when he learned that she went missing. Lalo na noong nalaman niyang hina-hunting pala ito ni Ronson. Hindi matatawaran ang pag-alala na nararamdaman niya para sa dalaga. “God, I was so worried about you. Bakit ka ba kasi umalis nang hindi nagpapaalam. You got me so fxcking worried, Gi.” Hinigpitan ni Tyron ang yakap niya sa dala

