Using a packing tape, Gigi tied the unconscious Mr. Ivanov. She tied both his hands and feet. Pati ang bibig nito ay binusalan niya. Natatawang napailing si Gigi habang nakikinig sa mga sinasabi ng mga kasama niya sa earpiece. “Kawawang Ivanov, hanggang panaginip na lang, paggising niya bukas nasa headline na ang matandang ‘yan” Parang saya-saya ni Odin habang sinasabi iyon. “You have thirteen minutes. Focus on your work.” Matigas na saad ni JD. Napalunok si Gigi dahil parang iba ang tono nito ngayon. “I’m on it,” sagot ni Gigi. She roamed her eyes on the entire office. Sucking in every small detail that could be usefull in finding that flash drive. Kailangan niya talagang makuha dahil ito lang ang nag-iisang pagkakataon nila makapasok sa mansyon