SUMISIKAT na ang araw nang magising si Elise. Nakahinto na rin ang kotse pero umaandar pa. Nangawit ang kanang binti niya kaya hindi siya kaagad nakakilos. Hinintay niyang kumalma ang muscles niya sa binti. Wala si Terrence sa harapan ng kotse, maaring nakababa na. Nang makaupo ay sumilip siya sa labas. Naroon na sila sa malawak na lupaing nabili ni Damaon. Malayo sa construction site nakaparada ang kotse. Humilab ang kaniyang sikmura kaya nagbukas siya ng echo bag at kinuha ang paper box na pinaglagyan niya ng na-bake niyang orange flavor cookies. It’s her original recipe. May baon din siyang mango powder sa thumbler at nilagyan lang ng tubig mula sa bottled water. Alas-siyete na ng gabi at may iilang tao nang palakad-lakad sa paligid, mga construction worker. Naamoy niya ang hamburger