Chapter 8

2005 Words
DAHIL hindi maiwan ni Terrence ang mga bisita nito, bumalik na lamang si Elise sa opisina at inayos ang mga shelves. Hindi siya lumabas doon hanggat hindi umaalis ang mga sundalo. Mayamaya ay dumating si Terrence. “Narito ka na pala. Pasensiya na, napahaba ang usapan namin ng mga kaibigan ko,” sabi nito. “Ayos lang,” tipid niyang wika. Nagsasalansan siya ng mga naka-folder na papeles sa may drawer. “Pagkatapos mo rito, mauna ka na sa bahay. Bibigyan kita ng susi para hindi ka mahirapan. May pupuntahan ako ngayon at baka gabi na ako makauwi.” “Sige.” Ramdam niya na inuobserbahan siya ni Terrence. Obvious naman kasi sa kilos niya na hindi siya komportable. Naisip niya na dating sundalo si Terrence. Maaring nasa sistema pa rin nito ang nature ng isang sundalo, posibleng may baril pa rin na tinatago. Ang baril ay ang bagay na ayaw niyang makita kahit pa laruan, lalo na ang marinig ang putok nito. “Elise, are you okay?” tanong ni Terrence. Nakatayo lang ito sa harap ng lamesa at may hawak na papel. Nang sipatin niya ito, nakatingin din pala ito sa kaniya. “Y-Yes. Medyo nahihirapan lang ako mag-adjust,” aniya. “You’re obviously anxious. Please don’t think you’re a stranger here. Just act like you’re at your comfort home,” he said calmly. The word ‘home’ sounds hell for her. Dapat nga ay comfort zone niya ang bahay, a family house, but it’s never been the same as she lived before. Tiniis niya ang bugso ng damdamin at pilit na ngumiti. “Thank you for a warm welcome. Pasensiya na rin kasi hindi ko maipakitang panatag ako rito,” aniya. “Makakapag-adjust ka rin. Whatever bothers you, you can get rid of it. Just look to the good side. Lahat naman tayo may mapait na nakaraan. Malalagpasan natin ‘yon basta huwag nating hayaang hilahin tayo nito pabalik. I know the the healing process was hard and painful, but if you want to move forward, you should learn how to ignore the pain while fighting.” Natigilan siya habang nakatitig kay Terrence. Ang ngiti nito ay nakahahawa, tila walang bakas ng pasakit sa buhay. Hindi niya napigil ang pagnilay ng payak niyang ngiti. She felt relieved. “Salamat,” saad niya. “Mas mainam siguro maglibot ka muna sa farm para ma-refresh naman ang isip mo. Naipakilala naman kita sa staff kaya magagabayan ka nila.” Tumango siya. MADILIM na nakauwi ng bahay si Elise mula sa farm ng mga gulay. Nalibang siya sa pamimitas ng gulay kasama si Mang Toni. Napuno ang dalawang supot na dala nila at puro gulay lang at prutas na maliliit. Nabigyan naman siya ni Terrence ng susi kaya nakapasok siya sa bahay. Hinatid pa siya roon ni Mang Toni na nagbuhat ng mga supot. “Wala pa pala si Sir Terrence,” sabi ng ginoo. “Baka mamaya pa po siya uuwi,” aniya. Dumiretso na sila sa kusina. “Madalas naman gabi kung umuwi ‘yon. Baka dumaan pa siya sa kung sinong babae niya.” Tumawa nang pagak si Mang Toni. Mukhang kilalang-kilala na nito si Terrence. Bigla siyang ginupo ng kaba nang maisip na baka madalas din maglasing si Terrence. “Ah, Manong, madalas po ba umiinom ng alak si Terrence?” hindi natimping tanong niya sa ginoo. “Hm, hindi naman. Simula noong tumigil siya sa pagsusundalo, hindi na siya umuuwing lasing. Pero siguro umiinom pa rin siya ng alak dito lang o kaya kung may party. May mini bar siya rito, eh. May collection din siya ng alak.” “Gano’n po ba?” “Oo, pero siguro mag-a-adjust din ‘yon kasi narito ka.” Ngumiti lang siya. Mayamaya ay nagpaalam din si Mang Toni. Sinimulan naman niya ang pagluluto ng hapunan. Pinakbet lang ang niluto niya at pritong tilapia na hinuli pa ni Mang Toni sa fishfond. Halos lahat ng native na gulay ay meron sa farm kaya okay lang kahit hindi mamalengke. Alas-otso na ng gabi ay wala pa rin si Terrence. Nauna na siyang kumain dahil mag-aayos pa siya ng gamit sa kuwarto. Maghahanda rin siya ng isusuot para sa trabaho. Wala naman siyang uniform at okay lang na kahit ano ang kaniyang isuot basta maayos. Saktong nakapasok siya ng kuwarto ay dumating si Terrence. Hindi na siya lumabas at sumilip lang sa bintana. Napansin niya si Terrence na bumaba mula sa kotse nito at may kasamang babae. Naririnig din ang usapan ng mga ito. “Hindi mo ba ako papasukin sa bahay mo? Maaga pa naman. Puwede pa tayong maglaro sa secret room mo,” sabi ng babae. Ang iksi ng laylayan ng dress nito, ang taas pa ng takong ng sapatos, terno sa pulang damit. Maganda ang babae, sexy, kulot ang buhok na blonde, hanggang baywang. Hindi ito ang babaeng nakita niyang kasama ni Terrence sa kusina. Itim ang buhok niyon na medyo maalon. “Sorry, hindi puwede. Salamat na lang sa pag-drive for my safety,” ani Terrence. Nasa himig ng tinig nito na lasing. Lumapit pa rito ang babae at lumingkis ang mga kamay sa leeg ng binata. “Why? I can give you the best blowjob. I have new tricks.” “Ah, I don’t need that. I want to sleep. And please don’t come here again, especially if it’s not business related, understood?” Inalis ni Terrence ang mga kamay ng babae sa leeg nito. “You changed a lot, Terrence. Tell me, may girlfriend ka na ba?” “Nothing. Punta ka na sa garahe. Ihahatid ka ng driver ko. Good night, Camille!” “Hm! Kainis ka! Kahit kiss ayaw mo?” “No.” “I hate you!” Tumalikod na ang babae at rumampa palayo. Kumislot si Elise nang biglang may kumalabog sa ground floor. Naisip niya baka may nabunggo na kung ano si Terrence o kaya’y natumba. Gustuhin man niya itong puntahan ngunit inunahan siya ng nerbiyos. Humiga na lamang siya sa kama. SA pagsisimula ni Elise sa trabaho ay nalibang siya sa madali at masayang routine. Sanay na rin siya sa computer at alam ang pasikut-sikot sa paperwork. Sumasama rin si Terrence minsan sa local delivery kaya hindi naglalagi sa opisina. After lunch ay tumambay naman siya sa warehouse ng mga itlog. Kilala na siya ng staff at tinuturuan siya kung paano mag-file ng mga itlog sa stray na merong size. Kinikilo pa ang mga ito isa-isa para pantay. Malalaman din kung ilang days na ang itlog. “Mukhang nag-e-enjoy ka na, Elise, ah,” sabi ni Candy. Anak ito ni Mang Toni na panganay, may asawa na rin at doon nagtatrabaho sa poultry bilang driver. “Oo, parang mas gusto ko na lang dito,” aniya. “Nako, baka magalit si Sir Terrence.” “Okay lang naman siguro kung half-day ako rito.” “Kausapin mo na lang siya.” “Sige, mamaya pag-uwi niya.” Nakapuno na siya ng limang tray na itlog. Marami rin siyang nakuha na rejected, iyong may konting crack at dumi. “Alam mo, akala ko noong una fling ka ni Sir Terrence. Ang ganda mo kasi,” ani Candy. Napasulyap siya rito. Sobrang obvious naman pala ang pagkahilig ni Terrence sa babae. “Madalas bang magdala ng babae rito si Terrence?” usisa niya. “Ah, noon oo. Minsan nga dalawang babae ang kasama niya. Pero noong wala na siya sa army, minsan na lang siya magdala ng babae. Iyong si Thalia lang, madalas talaga dito. Minsan inaabot ‘yon ng isang linggo sa bahay ni Sir Terrence. Akala ko nga ay girlfriend na siya ni Sir.” “You mean, matagal na sila? Baka sila na.” Nakitsismis na siya. “Hindi sila. Ewan ko, parang wala namang balak magseryoso sa babae si Sir Terrence. Baka nga hindi ‘yon mag-aasawa, eh.” “Bakit naman?” amuse niyang tanong. Kumibit-balikat si Candy. “Siguro hindi siya naniniwala sa love. Nakadepende ata siya sa nangyari sa parents niya.” Aware naman siya na nakailang asawa ang tatay nila Terrence at Thrasius. Kahit si Thrasius, galit din sa tatay nito. Pero kung ang basehan ni Terrence ay ang parents nito, mababaw naman. Puwede naman nitong baguhin ang kapalaran nito. Kaso sa halip na maging opposite ng tatay nito, tila namamana naman nito ang maling gawain. “Baka may iba pa siyang dahilan kaya ayaw magseryoso sa babae,” aniya. “Siguro, hindi ko alam,” komento naman ni Candy. “O baka dahil mentally unstable rin si Sir Terrence.” Marahas siyang lumingon kay Candy. “A-Anong ibig mong sabihin, Candy?” curious niyang tanong. “Ano kasi ‘di ba na-diagnose na may shell shock si Sir Terrence noon? Dahil ‘yon sa giyera. Maliban doon, sabi ni Papa, may hindi magandang karanasan si Sir Terrence habang nasa puder ng daddy niya sa US noong bata siya. Magaan daw kasi ang kamay ng daddy niya, mapanakit.” Dahil sa sinabi ni Candy ay sumidhi ang interes niya na mas makilala pa si Terrence, pero hindi niya direktang aalamin ang kuwento nito. “Ah, kaya siguro. Baka may nagti-trigger din sa emotions niya,” aniya. “Siguro.” Hindi namalayan ni Elise ang oras. Alas-singko ng hapon na siya nakauwi ng bahay at kaagad nagluto ng hapunan. Pagkatapos ay naglampaso na rin siya ng sahig, nagpunas ng mga furnature. Inayos niya ang divider malapit sa paanan ng hagdanan. May piano rin doon na natatakpan ng itim na tela. Pati dingding ay pinunasan niya ng mamasa-masang tela. Sa gilid ng divider ng laruang robot ay meron siyang napindot na tila button pero transparent. “Hump!” Napakislot siya nang biglang nahiwa ang dingding sa tabi ng divider. Napamulagat siya nang malamang secret door pala iyon. Mayroon kasing hagdan pababa na may pulang carpet. Nilamon siya ng curiosity at natuksong humakbang sa hagdan pababa. Pumiksi na naman siya nang kusang bumukas ang ilaw. Sensor lights pala ito. Sa ibaba ay mayroong pintuan na yare sa bakal. Visible na ang berdeng button sa may gawing kaliwa kaya pinindot niya. Bumukas ang pintuan. Madilim sa loob. Ngunit nang makapasok siya ay kusa ring nagbukas ang mga ilaw. Animo natulos siya sa sahig at tulalang napatitig sa mga bagay na bumungad sa kaniya. Itim ang pintura ng paligid ng silid, at tanging sahig ang namumula na pinuno ng carpet. Hindi ganoon kaluwag sa loob siguro dahil sa dami ng gamit. Ang ikinawindang niya ay ang mga bagay na kaniyang nasisilayan. Those are weird yet familiar. Sa gitna ay mayroong kama na itim ang lahat ng sapin, may mga beam na bakal sa taas na merong nakalawit na kadena, mayroong posas sa bawat dulo. Sa dingding na merong divider, may mga weird na bagay na hindi siya pamilyar sa iba. Meron din doong makitid na lamesa, merong mga bakal sa gilid, may kadena at posas. Inisa-isa niyang suyurin ang mga bagay na naroon. Sa bilog na lamesa ay maroong mascara na may designyo ng balahibo ng manok. Iilan lang ang alam niya sa mga ito, ang spanking paddle, silicon clips, vibrator, iyong rubber na parang buntot ng kabayo. Nakikita niya ang mga iyon sa napanood niyang erotic movie na may temang bondage o BD$M. “My God! Bakit merong ganito si Terrence?” shocked niyang bulalas. Habang sinusuyod ng tingin ang paligid, nai-imagine niya kung paano gamitin ni Terrence ang mga bagay na naroon sa isang babae. Maaring lahat ng babaeng dinadala nito roon ay naranasan gamitin ang mga bagay na nakikita niya. Akmang hahawakan niya ang kakaibang design ng spanking paddle na merong balahibo ng manok ngunit may yabag siyang narinig. “Elise?” Kumislot siya sa pagkagulat. Tatakbo sana siya palabas ngunit ginulantang siya ng presensiya ni Terrence na nakabalandra sa pintuan. Awtomatikong tumahip ang kaniyang dibdib sa kaba. Titig na titig siya sa seryosong mukha ni Terrence. While staring at Terrence’s eyes, she could imagine how he hit a woman with those rubber paddles. This man was a psychopath!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD