HINDI nakahuma si Elise nang gupuin siya ng nakaliliyong sensasyon sa kaibuturan. Dahil iyon sa pangahas na halik ni Terrence, at halos ayaw pakawalan ang kaniyang mga labi. Ang higpit ng hapit ng kamay nito sa kaniyang batok ngunit ramdam niya ang panginginig nito. Awtomatikong natigil ang kaniyang pagluha at naglaho pansamantala ang kirot sa kaniyang puso. Makapangyarihan ang halik ni Terrence, tila tamang lunas sa kaniyang pasakit. Mariin siyang pumikit at tumugon sa halik ni Terrence. Inalipin na siya ng maalab na pagn*n*sa lalo nang dumapo ang isang kamay ni Terrence sa kaniyang dibdib. “Sh*t! Not here,” usal nito nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Nadarang na siya sa tukso at natatakot siyang mawala ng tensiyon sa kaniyang pagkab*b*e baka bumalik ang sakit sa kaniyang puso. “