HALF-DAY lang sa orphanage si Elise dahil nagyaya si Terrence na matuloy ang picnic nila sa burol. Hindi pa nakauwi si Sister Feliz mula Spain kaya wala masyadong activities. Sinundo rin siya ni Terrence pagkatapos ng tanghalian. Nakahanda na lahat ng kailangan nila sa picnic pagdating ng bahay. Nagbihis na lang siya at nagdala na rin ng pamalit na damit dahil hanggang Linggo ng hapon sila sa burol. Excited ang mommy ni Terrence at may pinamili na itong isda at karne ng baka na lulutuin nila. Nagdala naman ng dalawang tent si Terrence at grill na iihawan nila ng ulam at kalan para sa uling. Walang kuryente sa burol kaya nagdala sila ng flashlight at solar light. Napuno ng bagahe nila ang kotse ni Terrence. “Wala tayong rice?” untag niya nang matingnan ang mga dala nila sa backseat. “Hi