Isang linggo na ang nakakaraan simula noong ilibing ko si Fiona sa memorial park kung saan nakalagak ang namayapang ina nito. Sinunod ko ang lahat ng nasa last will testament ni Fiona tungkol sa foundation ng mga batang may cancer at maging sa mga elderly people na tinutulungan nito sa Cebu. Hindi ko lubos maisip na wala na ang babaeng unang minahal ko. Marami akong mga natutunan sa nakalipas na taon na nakasama ko si Fiona. Pinapasok niya ako sa isang mundo na hindi ko inakala na makakaya ko. At nahigitan ko na ngayon si Don Guerer. Ako na ang pinuno ng Triad at magkasanib puwersa na kami ni Brandon dahil pinamununuan nito ang Falcon. Dumaan ang mga araw at hindi pa rin pumapayag si Lunnox na makausap ko. Naroon siya sa bahay ni Brandon habang narito naman si Brandon sa bahay ko. Nami-