Kitang-kita ko sa mukha ni Lunnox ang matinding pagkagulat nang makita ako na nasa harapan niya. Kahit na masama ang pakiramdam ko pinilit ko pa rin na pumunta dito sa party na inihanda ko. Pinilit kong huwag akong samahan ng mga private nurse ko para umiwas na rin sa eskandalo. At ayoko rin na malaman pa ni Hernan na may sakit ako. Kailangan kong maipaalam sa lahat kung ano ang dahilan ng party ngayong gabi. Ibinaba ko sa lababo ng hand washing ang maskara na hawak ko. "Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa iyo para tuluyan mo ng kalimutan si Caliver. Sa tingin ko kasi pareho kayo ng kaibigan mo na umaasa na p'wede kayong magkaroon ng relasyon. Lunnox, magising ka sa katotohanan na hindi ka kayang mahalin ni Caliver." Sinadya ko ang mga sinasabi ko dahil may pumasok sa po