SAMPUNG siglo ang nakalipas. Sa Samara Russia, naganap ang madugong digmaan sa pagitan ng dalawang malaking grupo ng mga bampira. Ang digmaan ay nagsimula sa personal na alitan ng dalawang leader, the two leaders of both union, Silvano and Orfeno. They are both belong to the Lord, but for the sake of power and legacy, they fight each other until the war between two unions becomes worse.
Silvano prioritized his territory and defends his pioneers and family, while Orfeno has been influenced by evil. He sacrificed his family for the sake of dark power, the only way to defeat Silvano. Si Silvano at ang kanyang nasasakupan ay nagapi ang pangkat ni Orfeno. Napatay nito si Orfeno at ikinulong ang katawan nito. At ang mga natitirang alagad ni Orfeno ay nagsilbi bilang alipin sa kanilang templo.
After two decade, Orfeno’s pioneers decided to do the revolution. They made some entrapment and a genius idea to defeat Silvano. Pinamunuan ni Rucio ang pag-aaklas at matagumpay nitong napatay si Silvano at ilang kasapi ng pamilya nito…
“KEEP this key, Son. This key was the only thing that keeps us safe and free from Rofeno’s curse. Don’t give it to anyone. I love you, son. My journey was dedicated to you and to our family,” huling salita ni Rufeno sa nag-iisang anak na si Rubino
Nanginginig sa galit at hinagpis si Rubino nang masilayan kung paano paghihiwalayain ng espada ni Rucio ang katawan ng kanyang ama. Nangyayari na ang kinakatakutan niya. Ang madugong pag-aaklas ng mga alipin na minsan na niyang nakita sa panaginip. Wala siyang laban dahil nakakulong siya. Gustong-gusto na niyang lapitan ang kanyang ama ngunit wala siyang lakas para masira ang matibay na bakal na nagsisilbing piitan niya. Ikinulong siya ni Rucio at alam niya siya ang susunod nitong papatayin. Nakikita niya sa mukha ni Rucio ang himagsik at galit. Hindi niya ito masisi dahil sa mahabang panahong pagsisilbi ng mga ito bilang alipin nila.
Mamaya ay nagkakagulo. Iniwan ni Rucio ang katawan ng kanyang ama at hinarap ang mga alagad nilang patuloy na nakikipaglaban. Nakita niya si Vinus na pumasok, ang kanyang personal na alalay. Dala nito ang susi ng kulungan niya. Nang mabuksan ang pinto ay inutusan niya si Vinus na bantayan ang kanyang anak.
Natataranta na si Rubino nang makita ang hiwa-hiwalay na katawan ng kanyang ama. Nauubos na ang kanilang tauhan dahil sa pag-aaklas ng mga alipin. Nagsisisi siya bakit hinayaan niyang umalis si Marcela na hindi pinadala ang anak nila. Si Marcela ang ordinaryong tao na nagsilbi sa kanila. Nagkaroon sila ng lihim na relayson at nabuntis ito. Subalit dahil sa pagtutol ng kaniyang ama ay nagdesisyon si Marcela na lumayas. Subalit natuklasan niya na ninakaw nito ang susi sa piitan ni Orfeno. Ang susing iyon ay mahalaga sa kanilang lahi. Nagsisilbi rin iyong susi sa lahat ng lagusan patungo sa ibang temple. Binalewala niya ang payo ng kanyang ama noon, na hindi dapat siya magtitiwala sa mga taong alipin dahil may posibilidad na nakikiisa ang mga ito sa mga tagasunod ni Orfeno.
“Father, I’m sorry. I didn’t protect you,” humihikbing wika niya.
Akmang sisinupin niya ang katawan ng kanyang ama ngunit narinig niya ang iyak ng kanyang anak mula sa malayo. Tumayo siya at tinungo ang kanyang anak. Subalit naabutan niya si Vinus na pugot na ang ulo sa pasilyo patungo sa kuwarto ng kanyang anak.
Pagdating niya sa kuwarto ay nadatnan niya ang lalaking kaaway na sana’y sasaksakin ng espada ang kanyang anak. Sinugod niya ito at dagli niyang pinulupot ang ulo nito. Bumagsak ito sa sahig. Kinuha niya ang espada nito saka itinusok sa dibdib nito. Umiiyak ang isang taong gulang niyang anak na lalaki. Kinuha niya ito at dinala palabas sa lihim na pinto.
Pagdating niya sa madilim na pasilyo ay nasalubong niya si Torio, ang kanang kamay ng kanyang ama.
“Master, we need to escape right away,” Torio said.
“I know, but I can’t leave without my father’s body,” aniya. Ibinigay niya kay Torio ang kanyang anak.
“But we have to leave, Master. You can’t survive alone.”
“It’s for my legacy, Torio. Please take care of my son. He’s the only one that I have. He needs to save my father’s legacy. He’s special. Go to the Philippines and find Marcela. She stole the immortal key.”
“How about you, Master? I can’t leave you here alone.”
“Don’t worry about me. My son’s life was more important than me. Now, leave.”
Walang magawa si Torio kundi umalis kasama ang anak niya. Nang matiyak na nakalabas na ng templo si Torio ay binalikan niya ang katawan ng kanyang ama at sininop. Magagawa pa niya iyong buhayin sa pamamagitan ng kapangyarihan ng dilim. Ngunit naabutan siya ni Rucio at dinakip. Naikadena nito ang mga kamay niya’t mga paa habang hinahataw ng latigo ang kanyang katawan. Pinipilit siya nitong sabihin kung nasaan ang susi ng kulungan ni Orfeno.
“I don’t know where it is!” pagmamatigas niya.
“You’re nobody! And where your son now?” tanong nito pagkuwan.
“You never have him. Kill me now!” palabang sabi niya.
“Bastard!”
Muli siya nitong hinataw ng latigo.
“Ugh!” daing niya.
Kahit anong gawin nito sa kanya ay hindi niya sinabi kung nasaan ang kanyang anak. Hanggang sa humugot ng espada si Rucio at pinugutan siya ng ulo. Sa kanyang huling hininga ay nasilayan niya ang hiwa-hiwalay na katawan ng mahal niyang ama.