Chapter 19 HINDI maipaliwanag ni Franco ang naramdaman niyang inis kanina. Kung p'wede nga lang niyang hilain palabas ng café si Samantha ay ginawa na niya. Napakatigas ng ulo nito at hindi nakikinig sa kaniya. Kahit na napakalinaw ng kanilang usapan. Kahit na paulit-ulit niyang pinapaalalahanan ito. Nagawa pa talaga nitong ituloy ang pagtratrabaho nito kay Tres. Ang ikinatatakot niya ay malaman ni Tres ang tungkol sa ginagawa niya. At sabihin pa nito iyon kay Kaycee. Kilala niya ang liko ng bituka ng kaniyang kapatid. Hindi ito nagpapatalo at hindi rin ito mabilis tumanggap ng pagkakatalo. Base sa ikinilos nito kanina ay wala pa itong alam sa sitwasyon nila ni Samantha. Napangisi siya habang nagmamaneho ng kaniyang kotse. Ano kaya ang gagawin sa kaniya ni Tres, oras na malaman nito na