Chapter 21 "Look at yourself, Kaycee! Pinagmukha kang tanga ng lalaking iyon sa harap ko at sa harap ng Tito Eduardo mo. Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo, na hindi ka naman talaga mahal ni Franco. Ano ba ang nasa isip mong bata ka? Gusto mo ba talagang ipagpilitan ang sarili mo sa lalaking hindi ka naman mahal?" galit na tanong ng kaniyang ama sa kaniya habang nasa loob sila ng kanilang mansion. Nakaupo siya sa may couch at humihikbi. At nakatayo naman ang kaniyang ama at palakad-lakad sa kaniyang harapan. "Mahal ko siya, dad. Mahal na mahal ko siya at hindi ko kaya na mawala siya sa buhay ko." "Damn it! Hindi na pagmamahal iyan, Kaycee. Pagiging istupida na iyan, at ano ang gusto mo ngayong gawin? Ituloy ang kasal ninyo ni Franco dahil mahal mo siya? Ano bang ipinakain sa iyo n