Chapter 41 HUMIHINGAL na pumasok ng kaniyang opisina si Pepper habang may hawak itong brown envelope. Mabilis nitong ibinaba iyon sa kaniyang lamesa at tinungo ang water despenser na naroon sa kabilang side ng kaniyang office. Mabilis itong naglagay ng tubig sa baso at saka ininom iyon. Nang makahinga nang maluwag ay saka siya nito hinarap. "F-Franco... ba---basahin mo iyan," humihingal na sabi nito at humila ng office chair. "Nakalagay diyan na naging mag-business partner sina Carlos Ventura at Kaycee Barbara sa isang bar na malapit lang sa café nina Samantha. Kung hindi ako nagkakamali ito iyong sikat na Harmonic Club. Diyan ka madalas uminom ng alak, 'di ba?" naniniguradong tanong ni Pepper sa kaniya. Tumango siya at binuklat ang brown envelope na nasa ibabaw ng kaniyang lamesa. "Ano