Chapter 34 "Mukha kang naluging Intsik diyan, Sam? May problema ka ba? Bukod sa mukha kang..." Inamoy ni Pan ang kaniyang kili-kili at leeg. "Amoy lalaki ka na, a." "Magkaamoy na ba tayo?" tanong niya rito na malungkot itong tinignan. "Iniisip ko si Franco... naisuko ko na ang lahat, Pan. Sa tingin mo... ako kaya ang pipiliin niya?" Naibuga nito ang iniinom na kape sa sahig at saka pinagpag ang dibdib nito. "Ano?" bulalas ni Pan. "Naisuko mo na ang lahat? Bakit kayo na ba? Tungkol ba ito sa nangyari kagabi?" Sunod-sunod siyang tumango rito. "Marupok ako..." Sinampal nito nang mahina ang kaniyang pisngi. "Baliw ka na!" bakas ang inis sa tinig nito. "Gusto mo ba talaga ng gulo? Alam mong ikakasal na iyong tao tapos pinatulan mo pa! Kung hindi ka ba naman tanga!" Nagpameywang ito sa kani