Chapter 24: Continuation "Heto na ang bagong lutong grapes jam, Ma'am Samantha," ani Lola Lita habang iniaabot sa kaniya ang naka-paper bag na dalawang garapon na jam. Nakangiti pa ng malapad ang matanda habang nakatingin sa kaniya. Malugod niya iyong tinanggap at kinuha ang kaniyang payong na nakatupi sa ibabaw ng lamesa. "Aalis na ho ako, Lola Lita," magalang na sambit ni Sam habang tinutungo ang pintuan. Ngunit hindi pa man siya nakakalabas ay may biglang pumasok sa pintuan na siyang naging dahilan para magkabanggaan silang dalawa nito. Naglaglag ang hawak niyang paper bag at mabuti na lamang at hindi iyon natapon. Naiinis na tinignan niya ang binatang nakabangga sa kaniya. May bitbit itong gitara at nakasuot ng ripped jeans at white sando. Nakayapak pa ito at basa ang laylayan ng s