Chapter 52

2074 Words

TULUYANG NAALIMPUNGATAN si Sam nang sa pagkapa niya ng unan sa tabi niya ay iba ang makapa ng kaniyang kamay. Bahagya pang kumunot ang kaniyang noo habang nakapikit. Sa tantiya niya ay wala namang kakaibang matigas na bagay sa tabi niya kanina. Hindi pa nakuntento at naglakbay pa ang kamay niya para kapain kung ano ang nasa tabi niya. Bigla siyang napamulat. Bigla ring nanigas ang kamay niya dahil sa hinahawakan niyon. Madilim sa loob ng silid kaya hindi niya makita kung sino ang nasa tabi niya. Madilim na rin sa labas ng bahay kaya wala ng liwanag na nagsusumiksik sa may kurtinang nakasara. Isang kapa pa sa nasa tabi niya. Mukhang katawan iyon ng isang tao. Paanong magkakaroon ng tao sa tabi niya kung nakakasiguro siya na mag-isa lang siya roon kanina? Multo ba iyon? Bigla ay animo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD