“SI ATE SAM po? Nasa silid ba niya?” agad na tanong ni Jamil sa sumalubong sa kaniya na kawaksi nang bumalik siya sa bahay ng kanilang lolo’t lola. Akmang hahayunin na niya ang hagdanan nang mapahinto siya sa paglalakad dahil sa sinabi ng kawaksi. “Eh, Sir Jamil, wala po rito si Ma’am Sam. Aalukin ko nga po sana ng meryenda kanina pero wala po sa silid niya.” “What?” hindi makapaniwalang tanong niya. Hindi agad iyon magawang absorb-in ng kaniyang isipan. “Nasaan sina lola?” “N-nasa may lanai po sila.” Wala ng salita na humahangos na pumunta sa may lanai si Jamil. Naroon nga ang mag-asawang Samarro. Kasama ang nurse na si Lovie na sandali munang nagpaalam sa amo para bigyan sila ng privacy. Pagkamano niya sa mga ito ay agad siyang nagtanong ng tungkol sa kaniyang Ate Sam. “Wala raw po

